^
Xian dinala si Kim sa Palawan, sakay ng helicopter!
Xian at Kim

Xian dinala si Kim sa Palawan, sakay ng helicopter!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 15, 2021 - 12:00am

Bongga ang Valentine’s Day date nina Xian Lim at Kim Chiu dahil they celebrated the V-day sa Coron, Palawan. Sakay ng helicopter ang dalawa papuntang Coron at sa chopper pa lang, may bouquet of flowers na si Kim.

Sabi ni Xian, “Celebrating valentine’s day with you is the best @chinitaprincess...” na sinagot ni Kim ng “Happy Valentine’s day indeed!!! I woke up to a beautiful surprise today!!! This guy has a lot of surprises in his pocket! Sabi niya out of town tayo, then suddenly he sent a hangar address kala ko saang out of town, FLY out of town pala!!! ‘di ready outfits ko!!! Pero I melt!!! Thank you Xi for always putting an A+++++ EFFORT!!! glad to spend Vday also with the girls close to your heart. Tita Mary Anne, lola, ate kris and anna and jayson. Thank you my always!!! @xianlim.”

Heart, may second billboard sa Times Square

Magandang 36th birthday gift kay Heart Evangelista ang pagtaas ng second digItal billboard niya sa Times Square New York City, kaya sabi nito, “Waking up to my 2nd billboard on time square NY! Such a blessing on my birthday!!!) grateful.”

Para pa rin sa @iasthreads ang 2nd digital billboard ni Heart and this time, hawak niya ang isang Capri round bag na kasama sa Cruise Collection ng @iasthreads. Wala naman siguro itong conflict sa Lancaster bag endorsement ni Heart at baka sa Paris, France lang ang coverage.

Anyway, magkasama sina Heart at asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa salubong ng birthday ni Heart noong February 13. Sa IG Stories ni Heart, sumakay siya sa helicopter at doon na yata sila nagkita ni Chiz. Hindi binanggit kung saan ang lugar na ‘yun, pero parang sa Balesin na favorite vacation place ng mag-asawa. May pa-reflection si Heart sa kanyang birthday at sabi, “‘Yung gumi­sing ka tapos 16 years na pala ang lumipas. Wow. Time flies...turning 36 soon... glad I took many pictures:) and a lot more in my head. And I plan to take many more pictures:) the turn of events, the reason of life is a mystery but there’s always a rhyme and reason:) life is beautiful. Ups and downs...).”

Ruru, nag-‘mine’ agad kay Bianca

Ang harsh ng ibang netizens sa kanilang comments at isa sa nakatikim ng harsh comment si Ruru Madrid na nag-comment lang naman ng “mine” sa post ng

girlfriend niyang si Bianca Umali. May nag-comment na kanya na “edi sayo na, wala namang aagaw e,” “sayong sayo na wala namang umaangkin” at “takaw ah kay Miguel dapat yan e.” May nakakatawa ring comment na “di po to online selling” na ginawang Shopee at Lazada si Bianca.

Pero, mas marami pa rin ang positive ang comments at kinikilig daw sila kina Ruru at Bianca na mula nang maging INC si Bianca, naging open na sa kanilang relasyon. Saka, napansin din namin na hindi na sumasagot si Ruru sa mga basher, ‘di gaya dati na may time siyang basahin ang comments at sagutin ang nega comments.

KIM CHIU XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with