Winwyn, taken na uli

Winwyn

Kinumpirma ni Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez na may special someone na siya kaya hindi siya single ngayong Valentine’s Day.

Kaso ay hindi raw sila magkakasama ng boyfriend niya on V-day dahil nasa lock-in taping pa siya ng Owe My Love. “I’m not single anymore. So happy. Kahit naman nandito sa lock-in taping, nakukuwento ko rin ‘yung story ko, ‘yung nangyari sa akin, ganyan, kung paano nakahanap ng new love with my castmates, and it’s such a refreshing thing kasi ang dami nilang nabibigay na advice. And hindi ako nalulungkot, siyempre kasi feeling ko nandito na rin siya. So happy naman, happy ‘yung heart ko. Kahit malayo ‘yung loved one ko, okay lang. ‘saka na kami magkikita, after lock-in.”

Happy rin si Winwyn para sa ex-boyfriend niyang si Mark Herras dahil sa pagkakaroon nito ng baby boy with fiancee Nicole Donesa.

Kate, noon pa kilala si Migo

Kampante na makatambal ni Kate Valdez si Migo Adecer sa bagong two-part episode ng My Fantastic Pag-ibig na Exchange of Hearts dahil bago pa raw sila naging artista sa GMA, magkaibigan na raw sila.

Kuwento ni Kate na sa isang VTR Go-See ng isang TV commercial sila unang nagkakilala ni Migo. Nataon na sila ang napili para sa TVC. “Medyo weird si Migo noon. Tahimik lang siya at kapag kinakausap ko siya, tatango lang siya. ‘Yun pala, hindi niya ako maintindihan magsalita kasi nagta-Tagalog ako. Laki siya sa Australia kaya konting Tagalog words lang ang maiintindihan niya,” tawa pa ni Kate.

Nagkita raw sila ulit noong audition sa StarStruck season 6 kung saan nanalo si Migo bilang Ultimate Male Survivor. Si Kate naman ay hindi na tumuloy sa audition at pinapirma na siya ng kontrata sa GMA Artist Center. Sa telefantasya na Encantadia muling nagkasama ang dalawa.

Bukod sa My Fantastic Pag-ibig, magkasama rin sina Kate at Migo sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday kung saan ka-love triangle nila si Barbie Forteza.

Porno mag founder na si Larry Flynt, pumanaw na

Pumanaw na ang founder at publisher ng Hustler magazine na si Larry Flynt sa edad na 78. Namaalam ang controversial adult entertainment mogul sa bahay nito sa Hollywood Hills.

Ayon sa kanyang pamangkin na si Jimmy Flynt Jr., 30 years na raw may health problems ang kanyang uncle at walang kinalaman sa pagkamatay niya ang COVID-19.

Bukod sa magazine, nagkaroon din siya ng production of porn films at Hustler Casino in Los Angeles.

Show comments