Drew at Iya, kinaiinggitan ang relasyon

Drew at Iya

Relationships Goals ng ibang showbiz couple sina Drew Arellano at Iya Villania na nag-celebrate ng kanilang anniversary kahapon. Nagbakasyon ang mag-asawa na silang dalawa lang, minus the kids at inamin ni Iya na nami-miss niya ang tatlo nilang mga anak ni Drew.

Heto ang anniversary greetings ni Iya kay Drew, “Just you and me, just like before, 17 years together, 7 years married, 2 boys and 1 girl. I love life so much more with you in it. Happy anniv, love.” Maiksi ang anniversary greetings ni Drew kay Iya na “My forever morning sunshine” pero ramdam mo ang pagmamahal nito sa asawa.

Ang ganda ng anniversary greetings kina Drew at Iya, isa na ang message ni Aljur Abrenica, “Happy Anniversary thank you for inspiring people at isa na kami doon.” Ang magka-baby number four naman ang karugtong na anniversary greetings ni Camille Prats na co-host ni Iya sa Mars Pa More ng GMA 7.

Parang nabasa namin na magpapatayo ng bahay sa may Rizal sina Drew at Iya, kailangan nilang magtrabaho, kaya hindi muna siguro masusundan ang baby girl nilang si Alana habang wala pa silang bahay.

Ion, may pangako sa nanay ni Vice

“Sabe” pala ang ibig sabihin ng “Ebas” na kasama sa post ni Ion Perez tungkol sa mga nag-iisip pa rin na lolokohin lang niya si Vice Ganda.

Sabi kasi ni Ion, “Bago niyo isipin at sabihin na lolokohin  ko ‘to (si Vice)! Isipin niyo muna na may isang NANAY ROSARIO akong sinabihan na MAHAL NA MAHAL KO KO ang ANAK niyang si TUTOY! Daming ebas! VAKLANG TWO! O LOKO.”

Kahit si Vice, may “ebas” din sa comment niya sa post ni Ion, kaya ‘yung mga hindi alam ang ibig sabihin noon, nagtanungan agad.

KC, pinag-iingat sa pakiki-party

Kayang-kaya ng mga invited ni Tim Yap sa kanyang birthday party na ginawa sa Baguio ang P1,000 fine na ipinataw ng siyudad ng Baguio sa mga lumabag sa safety protocols during the party. Sila ‘yung mga walang face mask at face shield na nag-participate sa cultural dancing na ginawa during the party.

Kabilang sa guest ni Tim at nag-participate sa cultural dancing si KC Concepcion at mabuti hindi siya sinugod ng bashers sa kanyang Instagram page. May nagpaalala lang kay KC to be careful next time at sana nga, wala nang party, lalo na ang mga influencer.

Speaking of KC, nag-thank you siya sa GMA Network dahil ni-report sa website ng GMA Network ang pagiging solo entrepreneur niya. Suggestion pala ng Kapuso viewers sa GMA Network, bakit hindi nila kunin si KC para mag-host sa isa sa kanilang mga show?

Show comments