^

Kinasal sa barko... Rocco at Melissa, mag-asawa na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 23, 2021 - 12:00am

Ginulat ng engaged couple na sina Rocco Nacino and professional volleyball player Melissa Gohing ang marami nang ikasal na sila last January 21 sa Pier 13 in South Harbor, Manila.

Noong November 2020 na-engaged ang dalawa at ngayon ay mag-asawa na sila. Ang nagkasal sa kanila ay isang military chaplain at sa isang naval warship naganap ang ceremony.

Very private ang wedding nila with only their families at ilang Navy officers ang um-attend dahil sa health and safety protocols. Via Zoom video conference na lang nakapanood ang mga kaibigan nila. “Yes… we… did…” ang caption ni Rocco sa kanyang Instagram post.

The couple married in the military service to honor the actor for being a member of the Philippine Navy Reserve Command and Naval Special Operations Group (NAVSOG).

Si Rocco ay graduate ng Basic Civilian Military Training noong October 2019 after completing 15 sessions of training and lectures to become a fully-fledged navy reservist. He took his oath as a Petty Officer (PO) 3rd Class with the Philippine Navy a month after.

Pia, pinagdiinang hindi pa engaged

Nilinaw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kumalat na chismis na engaged na siya sa kanyang boyfriend, ang founder, and CEO of Beautiful Destinations, na si Jeremy Jauncey.

Nag-celebrate ang dalawa ng kanilang first anniversary bilang magsyota noong December 31, 2020. “It’s not true. And I know there’s a video on YouTube that says I’m engaged,” pagklaro ni Pia.

Marami pa raw silang gustong gawin ni Jeremy at mangyayari raw ang engagement sa tamang panahon. Klinaro rin ni Pia na mas older sa kanya si Jeremy. May lumabas kasi na mas matanda siya rito.

“Why would you guys think that? He is older than me. He is 36 years old now. Baby pa ako,” diin ni Pia who is only 31 years old.

Lady Gaga at J.Lo, patalbugan ng outfit

Nagpabonggahan ng outfits sina Lady Gaga at Jennifer Lopez sa 2021 Inau­guration ceremony nina US President Joe Biden at US Vice President Kamala Harris noong nakaraang January 20 sa Washington DC.

Inawit ni Lady Gaga ang national anthem ng USA na Star Spangled Banner na suot ang custom look from Parisian label Schiaparelli.

Suot ni Gaga ay navy structured fitted jacket paired with a billowing silk skirt and black gloves. Agaw-pansin ang colossal brooch na isang dove carrying an olive branch.

Si J.Lo na inawit ang America, The Beautiful ay suot ang 2019-2020 Chanel Fall Collection. Ito ay ang ecru and white tweed overcoat, a ruffled silk blouse, and a sequined high-waisted wide-leg pants. May kasama pa itong Chanel pearl-embellished earrings, bracelets, and belts.

Ang official colors of the suffragette movement are white, gold and purple.

ROCCO NACINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with