^
Joshua, hindi na mapakali sa tambalan nila ni Charo
Joshua

Joshua, hindi na mapakali sa tambalan nila ni Charo

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

Excited daw si Joshua Garcia sa gagawin niyang movie with Star Cinema, where he will have for his leading lady, no less than Charo Santos-Concio.

Isa itong local adaptation ng Korean drama na may title na Keys to the Heart. Sa idea pa lang, according to Joshua na makakapareha niya si Ma’am Charo sa project excites him no end.

Samantala, ano kaya ang reaction ni Joshua sa issue kay Julia Barretto na unti-unti nang nagbibigay ng hint sa kanyang ‘boyfriend.’

Catriona, napaiyak sa luto ni Sam

Now it can be told kung bakit napaiyak si Catriona Gray sa ipinadalang pagkain sa kanya ni Sam Milby.

Paborito raw niya pareho ang pizza at salad, which, she learned, si Sam mismo ang nag-prepare para sa kanyang birthday.

Kung sabagay, ikaw ba, hindi ka rin mapapaiyak, Salve A., guwapo na, popular pa ang cook mo?

Well, last May lang umaming mag-on sina Catriona at Sam.

Maja, naunahan pa ni Janella

Did we hear it right na natulala raw si Maja Salvador when she learned na isa nang ganap na nanay si Janella Salvador to a three-month old boy, Jude?

Magkasama ang dalawa sa series na The Killer Bride. Kaya, may ideya si Maja kung ilang taon na si Janella. Sobrang bata pa raw.

Dalangin na lamang ni Maja ay panindigan ni Janella ang pagiging ina as she and her boyfriend, Markus Paterson, ay wala pala munang planong magpakasal.

E, si Maja, kailan kaya balak magpakasal ng kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez?

Thirty two years old na si Maja.

Now a contract talent ng TV5, inamin ni Maja na nami-miss niya ang ABS-CBN, lalo’t ang mga dating kasamahan niya sa Kapamilya.

But wala raw siyang regret, though nag-last episode na kahapon sa TV5 ang Sunday Noontime Live na isa siya sa main hosts.

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with