^
Barbie at Cesar, magkakasundo agad
Barbie

Barbie at Cesar, magkakasundo agad

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 17, 2021 - 12:00am

Grabe Salve A., And what a coincidence talaga.

For what has Barbie Imperial in common with boyfriend Diego Loyzaga’s actor father, Cesar Montano?

Well, they  both mark their birthdays on the same date: August 1. 

August 1, 1998 nang ipinanganak si Barbie. Si Cesar naman August 1, 1962.

Magiging matipid, pag nagkataon, ang birthday celebration ng mag-biyenan, kung magkaka-joint party sila.

Ellen at Ruffa mabilis nagkasundo

Alam kaya ni Ellen Adarna, at one time, when they were both younger, nagkaroon ng short relasyon sina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez?

Well, I’m sure naman dahil si Ruffa daw ang nagbuko ng posibleng mamuong relasyon kina Derek Ramsay at Ellen na itinanggi naman nilang dalawa.

Well, Ellen is, of course, the mother ng only child ni John Lloyd, two year-old Elias.

Naging friends sila nang both sila invited ni Derek Ramsay to a dinner sa bagong bahay nito sa Ayala Alabang, na malapit sa bahay ni Ellen sa Ayala Alabang din.

Ayon kay Ruffa, maganda daw ang hiwalayang namagitan sa kanila ni John Lloyd kaya, friends daw sila hangang ngayon.

Ellen atat na sa Sitcom

Of Ellen, excited siya to be back in showbiz, sa sitcom kasama si John Estrada.

Remember that Ellen was a regular sa Home Sweetie Home, which originally topbilled John Lloyd at Toni Gonzaga.

In supporting role si Ellen, together with Sandy Andolong, Miles Ocampo, Bayani Agbayani at Ogie Diaz.

Magkasabay halos na nag-bye sa sitcom sina John Lloyd at Ellen. John Lloyd was replaced by Piolo Pascual.

The sitcom, directed by Edgar Mortiz, was first aired January 5, 2014 hanggang mawala nga ito sa ere nang mawalan din ng franchise ang ABS-CBN.

Sa next week na raw eere sa TV5 ang sitcom nina Ellen at John na John at Ellen and title.

Precious Lara excited na sa baby girl

Eager pala si Precious Lara Quigaman to get pregnant again, para sa kanilang fourth baby ng former GMA actor na si Marco Alcaraz, she wants a baby girl naman.

Third boy nila ang kanyang ipinanganak noong September last year.

Puwede naman kasing maging beauty queen ang batang babae, tulad niya.

She was Miss International 2005. Fourth Pilipina siya to win the title, after Gemma Cruz-Araneta in 1964.

Gemma btw, was the first Filipino and Asian to win the said International title.

BARBIE IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with