Dingdong, hasa na sa pagiging direktor

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 14, 2021 - 12:00am

Sobrang ini-enjoy ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang buhay bilang mag-asawa at parents ng kanilang dalawang cute children na sina Zia (5) at Ziggy na magtu-two years old sa darating na April. Bukod sa pagiging celebrity parents sa kanilang dalawang anak, ini-enjoy din ng celebrity couple ang kanilang respective showbiz career kahit magkaiba ang nagma-manage sa kanila – si Perry Lansigan kay Dingdong at si Rams David kay Marian.

Kamakailan lamang ay ipinaalam na sa publiko na si Dingdong ang pinakabagong karagdagang brand ambassador ng Beautederm ni Rhea Anicoche-Tan kung saan kabilang din si Marian. May iba ring product endorsements ang mag-asawa na kasama ang kanilang panganay na si Zia.

Samantala, ang pagdidirek ay hindi na rin bago kay Dingdong lalo na ang long-running  weekly drama anthology ng GMA Public Affairs, ang Tadhana kung saan si Marian ang host. Ayon sa Kapuso primetime queen, mahigpit umano ang kanyang mister bilang director niya.

Ex-PBB housemate at kambal ni Jinkee, may third baby na

Ex-PBB housemate Steve `Tibo’ Jumalon and wife of more than four years na si Janet Jamora (twin sister ni Jinkee Pacquiao) welcomed their third baby na isang boy noong nakaraang Sabado, January 9.

Bukod sa bagong silang na baby boy, ang mag-asawang Tibo at Janet ay may dalawang elder children na sina Raymond at Ella.

Premyadong direktor at writer, sanib-puwersa sa comeback ni Claudine

Ang premyadong tandem nina Direk Joel Lamangan at writer na si Eric Ramos ang muling magsasama sa magiging comeback movie ng controversial actress na si Claudine Barretto under Borracho Films na hinahanapan pa ng magandang titulo.

Single mom with an autistic child ang magiging papel dito ni Claudine kung saan naman gaganap na OFW sister niya ang singer-actress na si Kara Madrid (Mitzki). Hindi pa identified ang ibang bubuo ng cast pero magkakaroon na umano ng contract signing sa darating na January 25.

Samantala, naniniwala ang bagong movie producer na si Atty. Ferdie Topacio na may potential na sumikat nang husto ang singer-actress na si Kara Madrid (isa sa mga contract talents ng Viva) kaya niya ito isinama sa movie.

Si Kara ay namataan ni Atty. Topacio nang ito’y kanyang mapanood sa guesting nito noon sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang isa sa mga police women na kaalyansa ng character ni Cardo Dalisay na gina­gampanan naman ni Coco Martin.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with