^

Pang Movies

Ivana, nakikipagkumpetensya sa mayayamang celeb

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Maraming nakakapansin ng bagong drama ng sexy star na si Ivana Alawi. Mahilig siyang mag-display ng wealth tulad ng magarang mansyon, magandang kotse at mamahaling jewelries.

May nagtatanong tuloy kung ibig ba niyang makipagkumpetensya sa ilang celebrities na nag-iingay sa mamahaling gamit? Siguro raw ay higit na interesado ang fans kung ano ba ang upcoming projects na puwede niyang ipagmalaki.

Binigyan na nga ba siya ng pagkakataong mai-display ang kanyang talent for acting or singing sa panahong ito?

Hindi aligaga ang fans kung anu-ano bang mga mamahaling gamit meron ang isang artista. Mas interesado pa sila marahil kung may maibibigay bang tulong sa kanila ngayong dumaranas sila ng kahirapan.

Amanda, 10 ang aso

Walang pagod si Amanda Amores sa pagtulong sa kanyang daughter na kapitan sa Quezon City na si Michelle Yu. Wala nga raw problema kahit ginagabi sila sa pagbibigay ng tulong sa mga kabarangay. Naninibago lang si Amanda dahil walang sumasalubong sa kanilang mag-ina tuwing umuuwi gaya noong nabubuhay pa ang paborito nilang si Choppy, isang cute na asong kulay brown.

Malayo pa raw si Amanda ay naririnig na nitong tumatahol ang kanyang alagang aso at sumasalubong sa kanila sa tuwa. Heart attack daw ang kinamatay ng minamahal niyang alaga.

Ten dogs ang alaga nila kaya naiiskandalo siya ‘pag sabay-sabay na tumatahol ang mga ito ‘pag dumarating sila sa bahay nila ng husband niyang si Konsehal Richard Yu.

Probinsyano, hinahanap pa rin sa free TV

Sayang naman ang pinakitang panggulat na acting ni Richard Gutierrez sa FPJ’s Ang Probinsyano sa confrontation scene nila ni Coco Martin kung saan inagaw niya ang karakter ni Yassi Pressman kay Coco.

Ang problema ay wala sila sa free TV kaya nabawasan talaga ang ingay at usapan ng sikat na teleserye.

Paano ba naman ay parang hindi masumpungan kung saan ba panonoorin ang dating pinakamainit na teleserye bago sumalakay ang COVID.

PMPC, may bagong opisyales

Congratulations sa bagong elected officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Muling inihalal sina Roldan F. Castro at Vice President naman na si Fernan de Guzman.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with