^

KC at Frankie, nagkaayos na rin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 10, 2021 - 12:00am

May pinost na litrato si Sharon Cuneta sa bakasyon nila sa Amanpulo na magkasama sina KC Concepcion at Miel at Frankie Pangilinan. Sa litrato, makikitang nakaakbay si KC sa dalawa niyang kapatid at pare-pareho silang nakangiti at may caption na “Mi tres marias. Miel is now the tallest in the family next to her Dad who is 6ft. tall!”

Mabubura na siguro talaga ang isyu na hindi okay sina KC at Frankie dahil nang bumisita si KC noong New Year sa condo nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan, napansin ng netizens na hindi raw nagpansinan sina KC at Frankie. Pinansin din at binigyan ng ibang meaning ‘yung hindi pag-i-introduce ni KC kay Frankie sa kinunang video at sina Miguel at Miel lang ang ipinakilala.

Comment tuloy ng isang netizen, “Oh ayan na ang proof  na ok magkakapatid.”

Nakabalik na sina Sharon from Amanpulo, pero si KC, mukhang nagpaiwan pa at nasa Pamalican, Island sa Palawan pa rin siya.

Si KC pala ay first time mapapanood sa GMA-7 dahil guest siya ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth this Sunday. Sa teaser, makikitang nagluluto si KC at ise-share nito ang kanyang nalalaman sa sustainable home cooking and dining. Airing ang  Amazing Earth, 5:25 pm sa GMA-7.

Marian puring-puri sa kabaitan

Natuwa at natawa ang mga kaibigan ni Marian Rivera sa post niya ng publicity photo ng asawang si Dingdong Dantes bilang Ambassador ng Beau­tederm. Sabi ni Marian, “Tapos ang usapan! Bye! Hyun Bin... Hello Dingdong... #Talandi.”

Samantala, makikita sa Instagram ni Ms. Rhea Tan (President and CEO of Beautederm) ang photoshoot nina Dingdong at Marian na parehong nakasuot ng jacket ng Beautederm at sabi nito, “What more can I ask for? Hindi ko lang endorser ang isang nag-iisang Primetime Queen, Darna, Dyesebel at Marimar kungdi kapatid ko na rin siya. Akalain mo un? Isa siyang Marian Rivera-Dantes!

“Ang laki niyang artista pero ni minsan hindi niya pinaramdam sa akin ‘yun. Lagi kami nagkakamustahan, ina ask niya kung ano pa ang pwedeng gawin to promote our products. Ramdam na ramdam ko yung concern niya. Nandun ung genuine love nya sa ine-endorse n’ya. Kaya no wonder ayaw siyang bitawan ng mga companies na ine-endorse nya.

“Tas nung birthday ko, gift niya sakin yung pictorial naming tatlo kasama ang kanyang asawa na si Dingdong. And kahit sa video makikita naman natin na sinabi niya, Pic pa tayo, baka magamit ni Ate.

“@marianrivera thank you. I am grateful for you everyday. Kaya ka nanatiling nasa taas kasi napakahumble mong tao. This is what family is all about. Thank you for loving me unconditionally. Thank you for this wonderful, heartfelt gift. Napaka selfless offering ng footage mo with Dingdong. Salamat. Mas lalo kita minahal.”

And speaking of Ms. Rhea, suportado nito ang Flora Vida Home ni Marian, bumili siya ng chair, lampshade, pillow cases at iba pang pieces ng Flora Vida Home. Very proud si Rhea kay Marian sa lumalaki nitong business.

Still on Marian, nasa IG niya ang teaser ng stage play na 03d1pus5_R3x. Isang eksena lang ang pinost niyang video clip at nadala na agad ang netizens.  Mapapanood ito sa February 22, 25 at 27 at puwede nang bumili ng ticket na exclusive na ipalalabas ng ticket2me.

Ibang mga sinehan, bukas na

May mga sinehan na palang bukas at simula nga noong January 8, napapanood na sa mga sinehan ang Viva Films 2020 MMFF entry na Pakboys Takusa. In fact, showing sa 21 cinemas ang nasabing pelikula, pero wala sa Metro Manila, karamihan ay sa probinsiya except sa SM Taytay at Sta. Lucia.

Ang kasama sa listahan ay cinemas sa Clark, Iloilo, Naga, Olongapo, Sta. Rosa, Bacolod, Baguio, Bacoor, Legazpi, Subic, Bacoor, Cabanatuan, Cagayan de Oro.

Kailan naman kaya magbubukas ang mga sinehan sa Metro Manila?

FRANKIE PANGILINAN KC CONCEPCION SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with