^
Dingdong, Beautederm baby na rin

Dingdong, Beautederm baby na rin

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 9, 2021 - 12:00am

Nag-text si Rhea Tan ng Beautederm, Salve. Magpapa-ad daw siya sa Take It… Per Minute, Me Ganun natin sa Tuesday para ibalita na Beautederm family na rin si Dingdong Dantes.

Bongga talaga ang mag-asawang Dantes, pareho na sila ni Ma­rian Rivera na Beautederm baby kaya naman tuwang-tuwa si Rhea Tan dahil parang nakikita na niya ang malalaking crowd ‘pag may meet and greet sa opening ng outlet ng Beautederm para puwede na ang big gathering.

Mga A-lister na talaga ang halos lahat ng nasa Beautederm, patunay na talagang walang tatalo sa beauty line ng kanilang products. Patunay din na talagang napalapit na ang loob ni Rhea sa kanyang stars, dahil heto, halos lahat ay nasa kuwadra na niya.

Congrats to Dingdong, a welcome treat to the long list of stars na nasa loob ng stable ni Rhea Tan, ang tunay na Beautederm inside and out dahil hindi affected ng pandemic ang kumpanya niya, lalo pa ngang lumakas dahil very effective ‘yung mouth spray niya na talagang panlaban sa ubo at sipon. At ‘yung products niya na talagang nagpa-beauty sa mga gumagamit.

Pagkamatay ng FA, malabo pang matuldukan

Ang sakit-sakit siguro ng nararamdaman ng mother ni Christine Dacera. Ang sakit ng mamatayan ng anak, at adding insult to injury ang nangyayari ngayon sa investigation ng pagkamatay nito. Nawalan ka na ng anak, hindi mo pa alam ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Yanig ang lahat nang unang lumabas ang balita na rape slay ang naganap. Pagkatapos, lumalabas na hindi ganu’n ang nangyari, at marami nang sanga-sangang pangyayari ang lumalabas.

Araw-araw may bagong balita, may bagong dagdag na information, may mga salita o pangyayari na lalo pang nakadadagdag sa sakit ng loob ng ina ni Christine Dacera. Patay na si Christine, wala nang makapagbabalik ng buhay niya. Wala namang puwede pang gawin ang nanay niya kundi tanggapin na lang ang nangyari.

Ililibing si Christine Dacera nang hindi pa rin malalaman ang katotohanan. Pero sana, magkaroon pa rin ng katarungan ang kamatayan niya. Iyon na lang ang hihintayin ng mother niya, ang justice para sa kanyang namatay na anak.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with