^

Pang Movies

Fan Girl, nanguna sa MMFF

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sad ang result ng this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF), dahil reportedly umabot lamang sa P11 million ang total earnings nila on the third day of the MMFF na napanood sa Upstream.ph.

Nanguna nga ang Fan Girl, second ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, number 3 ang The Boy Foretold by the Stars, number 4 ang Pakboys: Takusa, number 5 ang The Missing and number 6 is Magikland. Sinundan ito ng mga drama movies na Isa Pang Bahaghari, Tagpuan, Coming Home and Suarez: The Healing Priest.

Hopefully, mas kumita pa ito hanggang sa pagtatapos ng festival sa January 8, 2021.

Happy New Year to all our dear readers.  I pray that 2021 is better for each and every one of us. Amen!

Ken, magiging busy agad

Labis-labis ang pasasalamat ni Kapuso actor Ken Chan, sa mga blessing na natanggap niya sa nakalipas na taong 2020, sa kabila na marami rin siyang pinagdaanan, tulad ng ibang tao, dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi ikinaila ni Ken na kahit may pandemic, nagkasunud-sunod pa rin ang mga proyekto niya hindi lamang sa GMA Network, nakagawa rin siya ng isang movie, na katambal niya si Rita Daniela, hindi pa lamang nga naipalabas dahil nagkaroon ng MMFF. Muli silang ­naging Journey Hosts ni Rita sa The Clash Season 3 at tuluy-tuloy din ang All-Out Sundays nila every noontime ng Sundays sa GMA 7.

At ang pinakamalaking blessings ni Ken, ay natupad na rin ang kanyang childhood dream, na magkaroon ng sariling gasoline station. Huwag siyang ismolin, dahil hindi lamang isa, kundi limang gasoline stations ang naipatayo niya, na ayon kay Ken ay bonus na iyon sa kanya,  sa loob lamang ng tatlong buwan. “Bata pa po ako noon, nasa isip ko na ang pangarap na iyon, at hindi ako huminto na matupad iyon,” sabi ni Ken. “Nang magsimula akong kumita, talagang tuluy-tuloy ang pag-iipon ko para sa pangarap kong iyon. Hindi po naman ako nabigo, dahil sa kabila ng busy schedules, hindi ko napabayaan ang trabaho ko, na naging inspirasyon ko pa, para maabot ang pangarap na iyon.”

At patuloy ang blessings, dahil sa pagpasok ng 2021, ang pagkakaabalahan naman ni Ken ay ang pagsisimula niya ng lock-in taping ng bagong GMA drama series na Ang Dalawang Ikaw na gaganap siya ng dual role, na may kalagayang tinatawag na dissociative identity disorder (DID).  Nagkaroon na siya ng trainings para sa dalawang role na gagampanan  sa taping. Muling makakatambal ni Ken ang favorite leading lady niya, si Rita Daniela. Congratulations, Ken!

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with