^

Kc at Apl.de.ap ‘di pa nagpapakita na magkasama

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 31, 2020 - 12:00am

Magkasama the other night sina KC Concepcion at Apl.De.Ap (Allan Pineda) ng Black Eyed Peas sa isang dinner with friends.

Pero hindi sila nagpapakitang magkasama sa video, si Apl lang ang makikitang kasama ng friend ni KC.

Nang tanungin ko ang friend ni KC kung sweet sila, ‘no’ ang answer nito.

Ayaw ding magsalita ng friend ni KC kung sila na nga ba.

Matagal nang sinasabing special ang relationship nina KC and Black Eyed Peas member.

So sila kaya ang magkasama ngayong New Year?

Kring Kring gonzales hanggang throwback na lang daw sa family photo

Hanggang throwback na lang daw si former Mayor Cristina Gonzales ng kanilang family photo.

Before Christmas ay nag-post kasi ang dating actress and politician ng family photo nila sa abroad. Kasama, of course, si Tacloban Mayor Alfred Romualdez at dalawa nilang anak.

Walang official statement si Kring Kring, pero matagal nang isyu na hiwalay na sila ng mister na pulitiko at diumano’y may iba na ito.

Maging si Mayor Alfred ay walang sinasabi tungkol dito.

Ex mayor ng Tacloban si Kring Kring at base sa kanyang mga post, sa Manila na siya naka-base kasama ang mga anak.

Pang-Masa, ‘di tumigil sa pagbabalita

Taong 2021 na bukas, January 1.

Masaklap ang kaganapan sa nagdaang taon dahil buong mundo ay naapektuhan ng pandemyang dala ng COVID-19.

Tumigil ang mundo ng showbiz at ilang industriya.

Pero nanatiling tagahatid ng balita sa showbiz ang Pang-Masa. Matibay pa rin ang pagkakaroon nito ng physical copy habang ang ilang babasahin ay tumiklop na at sa online na lang nababasa.

Sad but that’s the reality. Wala tayong laban sa kalabang hindi nakikita.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, lahat ay naghahangad na bumalik na sa normal ang lahat. Puwedeng mangyari at puwede ring matagalan.

Tuloy lang ang buhay! Harapin natin ang 2021 na punung-puno ng pag-asa at pagmamahalan sa isa’t isa.

Basta tayo, pamilya at kaibigan ay walang sakit at ligtas sa virus! ‘Wag lang nating kalilimutang manalig sa Diyos at maging maingat sa katawan!

Happy, happy 2021!

DongYan, inulan ng pagbati

Tamis-tamisan talaga ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang holidays at 6th wedding anniversary picture sa Instagram ni Yan.

Siyempre, pinusuan ng fans ng dalawa ang post ni Yan at inulan ng pagbati mula sa nagmamahal sa kanila!

Biniyayaan pa ng dalawang anak sina Marian at Dingdong na artistahin ang hitsura. Of course, studies muna ang priority ng mag-asawa para sa dalawang anak na gaya nila eh kapwa tapos din ng pag-aaral.

Happy wedding anniversary, Dingdong at Marian! Babies pa more! Ha! Ha! Ha!

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with