_pang-masa
^

Ice, nami-miss ang malulutong na bente pesos ng kanyang daddy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 28, 2020 - 12:00am

Naging sentimental na naman si Ice Seguerra sa kanyang Instagram post dahil naalala na naman niya ang kanyang yumaong amang si Dick Seguerra ngayong Kapaskuhan. Ito kasi ang unang Pasko na wala na ang kanyang daddy.

Nag-post si Ice ng mga old Christmas family photos nila noong buhay pa si Daddy Dick and aniya sa caption, akala raw niya ay aabot pa ng Pasko ang kanyang ama.

“First time to spend Christmas without my dad.

“Mula bata hanggang ngayon, walang Paskong dumaan na hindi kami magkakasama lahat.
Maraming masayang Pasko, meron ding malungkot. Pero okay lang kasi magkakasama kami.
Hanggang sa nag asawa na ako at nagkaroon na rin ng sarili kong pamilya, hindi pwedeng mag noche buena na hindi kami magkakasama.

“But it’s different now.

“Sa totoo lang, akala ko aabot siya ng Pasko. Kaso, hindi ganon yung nangyari. I know, kasama namin siya but I miss him. Miss ko yung mga malulutong na pa bente pesos niya. Yung pagkanta niya ng bidyoke. Kahit tulog lang siya sa couch habang naghihintay ng noche buena... miss ko yun. Miss ko siya.

“Totoo pala yun, no? It’s never the same. And it will never be the same. Laging may kulang, kahit ano pa nag gawin mo para punuan yun,” ang bahagi ng caption ni Ice.

Kaya sa huli, ang payo ng singer ay pahalagahan at mahalin ang magulang/pamilya habang naririto pa.

“So yeah, cherish who you have in your life. Especially your parents and family. Sila ang Pasko. Hindi ang mga regalo o kung ano pa man. Merry Christmas,” pagtatapos ni Ice.

Ken at Rita, pinaghandaan ang serye

Nakakabilib naman si Ken Chan dahil sa loob ng tatlong buwan ay nakapagpatayo na siya agad ng limang gasoline stations. Sobrang happy nga ang aktor dahil bata pa raw siya ay pangarap na raw niya ito.

“And sobrang blessed talaga ‘ko, despite ng mga nangyari sa atin na pan­demya, but still nagawa ko pa rin po na tuparin ‘yung pangarap ko na magkaroon ng gasoline station,” sabi niya sa interview ng 24 Oras.

Sa pagsapit ng 2021 ay may project na agad si Ken dahil magsisimula na silang mag-taping ng ka-loveteam na si Rita Daniela ng kanilang bagong teleserye na Ang Dalawang Ikaw.

Sa nasabing serye ay gagampanan ni Ken ang isang lalaking may DID or Dissociative Identity Disorder. Kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na raw niya ito pati na rin ng co-stars niya.

“Kami ni Rita, si Anna Vicente, ako, talagang nagwo-workshop po kami. Nanonood din ako ng films and mga documentaries about dissociative identity disorder,” ani Ken.

ICE SEGUERRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with