_pang-masa
^

Pang Movies

Cherie nakaka-relate sa mga pinaggagawa ni Andi

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Cherie nakaka-relate sa mga pinaggagawa ni Andi
Cherie

Masaya si Cherie Gil sa balitang na-engage na ang pamangkin niyang si Andi Eigenmann sa partner na si Philmar Alipayo.  Sey ng award-winning kontrabida, marami silang pagkakatulad ni Andi, lalo pagdating sa pagharap sa buhay. “Just like me, Andi is fearless. She’s a risk-taker and a lover of life. Andi is obviously very happy. She’s been clear from the get-go on how she wants to see herself hereon in this life. She’s got it all figured out. She found her niche with her beautiful babies and the man of her dreams,”  sey pa niya.

Wala raw nga maa-advice si Cherie kay Andi pagdating sa marriage. “I wish I could give her marriage advice, but I’m not the best person to do so. Instead, I will just wish her everything wonderful in this new junction of her life.”

Ang nakakalungkot lang ay hindi na nasaksihan ng ama ni Andi, na si Mark Gil, ang mga naging pagbabago sa buhay nito. Pero sure raw si Cherie na masaya si Mark sa mga nangyayari sa buhay ni Andi ngayon.

Mike aminadong dumaranas ng hirap sa pandemic

Inamin ng Kapuso hunk na si Mike Tan na hindi raw naging madali sa kanya at sa kanyang misis ang nagaganap na pandemic, lalo na’t may dalawa na silang anak.

Meron silang 2-year old na si Victoria at 10-month old na si Priscilla. “Mahirap kasi hindi kami nakakalabas, hindi kami nakakapasyal. Very limited ‘yung trabaho na na-i-o-offer sa’yo. Eh kami, dalawa na ‘yung babies namin. So iniisip namin ano ang kailangan namin gawin. Ano dapat baguhin sa lifestyle natin. Na-stop lahat ‘eh.

“Akala namin first three months lang ng pandemic tapos na. Tapos na-extend na nang na-extend so naisip namin, we need to start something new para doon umikot ‘yung pera namin. So nag-isip na kami kung paano magkakaroon ng bagong source of income,” sey ni Mike.

Ang magkaroon ng small business ang naisip nilang mag-asawa. Isang online business para sa kanilang bine-bake na cinnamon rolls at isang page para sa pre-loved items.

Kahit dumaan sa hirap, nanatili raw matatag ang pagsasama nilang mag-asawa.

Kim ayaw nang balikan ang sex...

No regrets si Kim Cattrall na iniwan na niya ang role na Samantha Jones sa Sex And The City.

May usap-usapan kasi na magkakaroon ng limited series  reboot ang SATC sa HBO Max after 14 years. Pero hindi na makakasama si Kim sa pagbalik ng original cast na sina Sarah Jessica Parker, Kristin Davis at Cynthia Nixon.

Naging clear daw si Kim na naka-move on na siya sa naturang series.

“It was a lot of fun and I loved it and being in new territory is always exciting. I felt like we were. Walking away, even if it’s the only thing to do, you always feel, it’s a bit of shame, I think. The taste of shame and you have to let go of that. You don’t want to become that caged bird.”

Mas gusto raw ni Kim na gumawa ng project na may kabuluhan sa kanyang buhay at sa ibang mga babae na kaedad niya.

“I want to use my platform to tell stories about women my age who have gone through loss. Loss is the biggest headache for my ‘60s so far, I’ve lost my father. I’ve lost my brother. I’m lucky enough to have the choice, not that I haven’t worked for it. I have. It’s something I feel very lucky to have and I’m very protective of it. I wouldn’t be any good doing something that I really didn’t want to do.”

 

CHERIE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with