Robin, bitter?!

Maraming taga-showbiz ang nalungkot at nasaktan sa mga sinabi ni Robin Padilla na lumang sistema na raw ang istilo ng mga pelikulang ipalalabas ngayong Metro Manila Filmfest.

May nagtatanong kung bakit naman daw ito nagawang pintasan ni Robin at kung napanood na raw ba ng aktor ang entries kaya ganu’n na lang ang pinagsasabi nito. Alam naman ni Robin ang hirap na dinaranas  ng mga taga-showbiz ngayon, kaya huwag na sana niyang kontrahin at pintasan pa. “Less talk, less mistake” ang advice sa aktor.

Magpa-Pasko pa naman kaya sana ay makisama na lang siya sa mga kapatid niyang naghahanapbuhay at ‘wag maging bitter.

Negosyo ni Azenith, patok pa rin

Hindi akalain ni Azenith Briones na darating pala ang araw na mabibigyang importansya niya ang mga pananim na orchids sa kanyang farm and resort sa San Diego, San Pablo City nang mauso ang mga plantita habang may pandemya.

Sinuwerte ang aktres nang pumatok ang naturang negosyo dahil marami pala ang nahihilig sa halaman nang mag-lockdown, lalo na ng mga kagaya niyang nanay na may apat na anak na tumutulong sa kanya sa pag-aalaga sa mga ito.

Hindi man daw siya natuloy sa pagbabalik-tele­serye sa FPJ’s Ang Probinsyano pero happy na rin siya dahil may pinagkakaabalahan.

Maraming pelikulang nagawa si Azenith noon at masasabing masaya ang showbiz life niya noon dahil dinudumog sa mga sinehan ang mga  pelikula nila ni Dolphy noon.

‘Pag natapos na raw ang pandemya, balak ng aktres na mag-comeback sa showbiz.

Sarah Javier, nadiskubre ang pagiging songwriter 

Masuwerte si Sarah Javier na dating taga-That’s Entertainment. Kasabayan niya sina Mayor Isko Moreno, Isabel Granada at Reuben Manahan. Pumatok ang kanyang Christmas song at ngayon ay may bagong release na single, Ihip ng Hangin, na bagay ang tema ngayong may COVID-19 attack.

Nalaman daw ni Sarah na may talent pala siya sa pagsusulat ng mga kanta noong magkaroon ng lockdown at nakababad lang siya sa bahay.

Show comments