John, muntik ayawan si Fr. Suarez

John

Muntik nang mag-back out ang aktor na si John Arcilla na gumanap bilang Father Suarez sa bio-flick ng tinaguriang Healing Priest na entry ng Saranggola Media Productions.

Inilahad ni John ang pangamba niyang gawin ang pelikula sa mediacon ng films fest entry na dinirek ni Joven Tan nang makita ang controversies na sangkot ang pumanaw na pari. “In fact, gusto ko nang mag-back out! Ayokong maging mouthpiece ng isang tao to justify himself. Eh ayoko naman ng ganoon.

“So, in-ask ko ‘yung team para makipag-usap kay Father para may story conference. I just want to listen to him. Set aside muna ‘yung doubt ko.

“Kailangan ko munang makausap si Father. Gusto ko siyang magkuwento. And I don’t want to ask him personally and directly sa controversy. Gusto ko siya ang magkuwento. Siya ang magsasalita.

“Kasi medyo awkward ‘yon!

“After that meeting magde-decide ako kung magpu-pull out o tuloy kong tanggapin. Gagawa na lang ako ng alibi na may nakalimutan akong trabaho o may sakit ako.

“But then when I arrived at the venue, positive ng atmosphere, I just saw him there. A very simple person.

“And he’s not trying to justify himself when he’s telling his stories. He’s not trying to defend himself. Napaka-positive ng air eh.

“Sabi ko, hindi ko makita ang controversy na nabasa ko. So sabi ko, ituloy ko na lang dahil hindi totoo ang nabasa!” pahayag ni John.

Sa totoo lang, dahil sa movie, ipinagpaliban ni John ang biyahe sa Amerika. Bukod sa kanya, may 52 pang artista na kasama kaya masasabing casting coup ito.

Show comments