^

Pang Movies

Pelikula nina Nora at Ipe, magpapaiyak sa Pasko

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Pelikula nina Nora at Ipe, magpapaiyak sa Pasko
Nora

Lalaban sa Best Picture award ang Metro Manila Film Festival 2020 entry na Isa Pang Bahaghari mula sa Heaven’s Best Entertainment.

Nagkaroon ng preview ang pelikula kahapon at nakakaiyak talaga mula simula hanggang sa pagtatapos.

Kuwentong swak na swak sa buong pamilya tungkol sa isang lalaking (Phillip Salvador) inakusahang inabandona ang asawa’t mga anak nang magtrabaho sa ibang bansa.

Naging tulay upang humingi ng tawad ang kaibigang bading (Michael de Mesa) at doon umikot ang nakakaiyak na kuwento.

Magagaling ang senior cast led by Nora Aunor. Wala pa ring kupas ang galing sa drama ni Phillip at si Michael?

Hay naku, refreshing ang character niya dahil matagal na siyang hindi lumalabas bilang ba­ding!

Magagaling din ang junior cast na sina Zanjoe Marudo, Sanya Lopez at Joseph Marco na lumabas na mga anak nina Nora at Ipe.

Pati ang mga lumabas na batang Nora, Ipe at Michael sa flashback scenes ay panalo rin ang acting!

Naiiba ang direksyon ni Joel Lamangan nang pagsamahin ang flashback at real time scenes!

Naku, kung hindi iiyak sa Isa Pang Bahaghari ang manonood sa streaming nito sa December 25, bato ang puso, huh!

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with