Gloria 87 na, 16 years old lang nag-umpisa sa showbiz
Gloria

Gloria 87 na, 16 years old lang nag-umpisa sa showbiz

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

Now that it’s December na (bukas), it means that soon, December 16, to be exact, showbiz icon Gloria Romero will be 87 years old, but in fairness, doesn’t look it.

She is still at work, we all know. Isa siya sa dahilan kung bakit pinanonood ang series na Daig Ng Lola Ko.

In any case, would you believe na 16 years old lang si Gloria when she started her showbiz career? At that time, she, with her family, were living in a town in Pangasinan.

She had an American mother; father niya ay Filipino.

She was born in Denver, Colorado.

Natatandaan ni Gloria na magsa-submit siya to a screen test sa Sampaguita Pictures, when on her way sa supposedly pupuntahan niya, namataan siya of the late Dr. Jose Perez.

Tinawag siya nito at tinanong kung gustong mag-artista.

When reportedly, she said “yes” daw, sabi raw ng producer “pasok ka na.”

He asked for her name. nang sagutin niyang “Gloria Galla,” her real name, agad daw nag-comment na hindi artista sounding ang kanyang apelyido.

Saka raw, kumbaga, pumasok from nowhere si direk Eddie Romero.

Kaagad, sabi raw ni Dr. Perez, Gloria Romero ka na ngayon.

Sino nga ba, Salve A., ang may sabing, kung minsan, ‘yung suwerte, dumarating at ‘niyayakap’ ka nang hindi mo inaasahan?

KC mas gustong kasama si Gabby

Sobra raw ang closeness na namamagitan sa kasalukuyang mag-amang sina Gabby at KC Concepcion.

Yes, to the point daw na naluluha si KC kapag naghihiwalay na sila.

Kung sabagay, inamin ni KC sa isang interview na mas close siya sa kanyang mga kapatid sa ama, kesa mga kapatid niya kay Sharon Cuneta.

No need to elaborate more.

Four Sisters…, may magaganap na kasalan

If sa original film ng Four Sisters And A Wedding, walang asawa ang mother ng apat na magkakapatid na babae, plus their only brother, in the soon to be shown prequel ng pelikula, titled Four Sisters Before The Wedding, dito magkakaroon ng ama ang magkakapatid.

Sa orihinal ng pelikula, si Coney Reyes ang gumanap na ina nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Angel Locsin, with Enchong Dee dito sa prequel, si Carmina Villarroel ang mother nina Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Belle Mariano at Gillian Vicencio at Clarence Delgado as the only brother.

Si Dominic Ochoa ang tatay ng young stars.

Sa Zoom presscon for the movie, ayaw ibunyag ang members ng cast, pati na ang writer na si Vanessa Valdez at direktor na si Mae Cruz  Alviar, kung may wedding na magaganap, tulad sa original.

“Basta maganda ang movie,” ani Dominic. “I’m glad napasama ako sa project na ito.”

Mapapanood ang Four Sisters Before The Wedding, yes, online, December 11.

Luis at Long, may sariling programa

May bagong programang magkasama sina Luis Manzano at Long Mejia. Title: Lucky Too Long. Yes, silang dalawa lang.

Napapanood ding magkasama ang dalawa sa weekly musical game show, I Can See Your Voice, which is hosted by Luis, part of the “singvestigators” si Long, who also include KaladKaren, Negi, Nikko Natividad, plus Andrew E., among others.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with