Jay-R, nagoyo

Gorgy Rula (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalong na-bash nang bonggang-bongga itong singer na si Jay-R Siaboc dahil sa dagdag pa niyang post sa kanyang Facebook account na ang ­manager pala niya ang kumuha ng premyo bilang first runner-up sa Pinoy Dream Academy, 14 years na ang nakaraan.

Bahagi ng post niyang iyon sa FB account; “Nagbabakasakali lng po aq. Dun sa mga nag salita/react ng hindi maganda dun sa post q pakiusap lng po mag research muna kayo bago po kayo manghusga, wag tau magsalita kung WLA tau masyado alam. Salamat Po.”

May nagpadala sa amin ng link ng isang online article na sinulat ni Throy Catan at lumabas noong 2018 sa Showbiz News Intrigues (SNI).

Nakapanayam nila si Jay-R sa Kadujawan Festival 2018 ng Agusan del Sur.

Sinabi roon  ni Jay-R na kinuha raw ng dating manager niyang si Mario ang nasabing condo unit, pati raw ang naipon niyang pera sa bangko dahil hindi raw niya alam na joint account daw pala ang binuksan ng dating manager.

Pinagharap daw sila ng ABS-CBN Star Magic, at nangako raw si Mario, pero pagkatapos nu’n ay nawalan na sila ng komunikasyon.

Nakakaawa rin naman talaga si Jay-R sa ginawa sa kanya, pero ang tanong ng karamihan, bakit ngayon lang daw niya ito isinawalat kasabay ng pag-promote ng luma niyang kantang Hiling na umani ng mahigit 25M views sa YouTube channel ng Wish 107.5.

GMA, itinuloy na ang mga naudlot na serye

Nag-pull out na noong nakaraang Biyernes, November 27 ang buong cast at production staff ng Magkaagaw.

Bukas naman ay susunod na ang Love of My Life nina Carla Abellana, Mikael Daez, Rhian Ramos at Coney Reyes.

Tuluy-tuloy na ang taping at tinodo na ng GMA 7 ang mga drama series na nasimulan na.

Ang mga bagong serye naman ay prinodyus ng GMA News and Public Affairs, gaya ng Owe My Love at The Lost Recipe.

Nagsimula na rin ang Babawiin Ko Ang Lahat na kung saan naka-lock in naman sila sa Batangas.

JAY-R SIABOC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with