^

Pang Movies

Dingdong at Marian, todo ang blessings

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dingdong at Marian, todo ang blessings

Ang sarap nga siguro na ang asawa mo ay very domesticated in the sense na marunong mag-alaga ng mga anak at pati ang pagluluto ay nagagawa pa.

Siguro nga feeling ni Dingdong Dantes na kumpleto na ang buhay may asawa niya dahil si Marian Rivera ay tutok sa pag-aalaga sa mga anak nilang si Zia at Ziggy, at madalas na ito ang gumagawa sa kusina para sa mga pagkain ng pamilya.

Hanga naman ako na heto, talagang habang nagbi-breastfeed kay Ziggy, pass muna si Marian sa sobrang trabaho sa TV maliban sa once a week na taping ng Tadhana. Tumanggi muna siya sa First Yaya dahil hindi niya magagawang iwan si Zia at Ziggy lalo pa ngayon na quarantine period pa.

Bongga talaga ang naging blessing sa married life nina Dingdong at Marian, talagang family first ang naging motto nila para sa sarili, at iyon ang lalo pang nagbigay-ligaya sa kanila.

Good night, Iskho…

Siguro, nga the best way to say goodbye is ‘yung quietly na paglisan sa mundo without fanfare. Kahit pa nga sabihin pa na during your lifetime isa ka sa mga tao na mahilig sa get-together, at may mga kaibigan ka na chummy-chummy mo.

So sad naman na mamatay nang mag-isa at wala kang kasama, pero knowing na may mga tao pa rin naman na nagmahal sa iyo, is enough para madama mo na hindi naman nasayang ang stay mo sa lupa.

Iskho Lopez, a broadsheet editor / writer during his prime ay namatay sa Anawim Lay Missions Foundation Incorporated, ang home for seniors na nag-aruga sa kanya matapos siyang dalhin doon ng mga classmate niya sa college at ilang kaibigang showbiz writers. Naalagaan siya nang husto sa Anawim, at paminsan-minsang nadadalaw ng friends niya.

Kataka-taka man, wala na yatang member ng pamilya o kamag-anak si Iskho kaya ang Anawim na rin ang nag-asikaso sa libing niya.

So sad na during his time, masasabi mo na active at friendly si Iskho, and yet he died alone. Ganyan yata ang buhay, accept na natin kung anuman ang mangyayari, pero mabuti pa rin na nadala siya sa home for the aged dahil naalagaan siya.

Naging sponsor niya ang mga kakaklase niya nang magkasakit siya, at ito ang nag-facilitate para madala siya sa Anawim.

God bless your soul, Iskho. At now, kasama mo na si Isah Red diyan, mag-chikahan na kayong dalawa. Goodnight. 

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with