Cesar, 5-years old na ang anak na lalaki sa beauty queen!

Cesar, 5-years old na ang anak na lalaki sa beauty queen!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

Five years old na pala ang sinasabing anak ni Cesar Montano sa dating beauty queen na si Sandra Seifert.

Kahapon sa social media account ng former beauty queen ay pinakita nito ang sweet moments ng actor at anak na si Corinth Ian Seifert na ayon sa social media profile ng bata ay “Bible whiz, Lego builder and Vegetarian since womb.” “Love Actually #fiveweeksbeforechristmas” ang caption ng dating beauty queen habang kini-kiss ni Cesar ang sinasabing anak na lalaki nito.

Actually, publicly ay ngayon lang ito nalantad though common knowledge na sa showbiz ang pagkakaroon diumano nila ng anak noon pa.

Annuled na si Cesar kay Sunshine Cruz at meron silang tatlong daughter na mga dalaga na.

Duchess of Sussex na si Meghan Markle, nagkaroon ng miscarriage

Oww nagkaroon pala ng miscarriage ang Duchess of Sussex na si Meghan Markle.

Ayon sa article na lumabas sa NewYork Times, nawalan siya ng baby last July  “Losing a child means carrying an almost unbearable grief, experienced by many but talked about by few.

“In being invited to share our pain, together we take the first steps toward healing,” sabi ng 39 year-old na wife ni Prince Harry kung saan meron silang 18-month-old son na si Archie. Thirty nine-years old na ang former Hollywood actress.

CESAR MONTANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with