Pambansang Kamao Manny, sa bashers humugot ng inspirasyon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

Inamin ni Boxing Champ Manny Pacquiao na umiiyak ang anak niyang si Michael dahil sa masasakit na sinasabi ng bashers. As we all know ay pumalaot na rin sa showbiz ang anak niyang ito at bilang baguhang artista, syempre ay hindi pa raw ito sanay.

“Siyempre hindi lahat (ng tao) sa social media, magsu-support sa ‘yo, magpupuri sa‘yo, may mga basher din. So, minsan, hindi niya ma-handle, parang naaano siya, nalulungkot siya, minsan umiiyak,” pahayag ni Pacman sa panayam sa GMA 7.

Kaya pinapayuhan na lang daw niya ang anak na huwag na itong pansinin. “Ipinapaintindi ko sa kanila na ganu’n talaga, you cannot please everybody, so may mga ano talaga, mangba-bash sa ‘yo,” he said.

Sinabihan din daw niya ang anak na siya man ay nakakaranas din ng pamba-bash at hindi naman daw siya nagagalit. “From the beginning of my career until now, may mga bashers talaga. Pero ‘yung mga bashers na ‘yun, hindi ako galit sa kanila. Do’n ako humuhugot ng inspirasyon para ipakita sa sarili ko na hindi ako ganu’n,” sey pa ni Pacman.

Rocco, naghahanda na sa kasal

Ayon kay Rocco Nacino, ilang buwan din niyang pinagplanuhan ang proposal sa girlfriend na si Melissa Gohing. Matatandaang nag-propose ang aktor sa GF last Friday sa isang burol sa loob ng kanyang village habang lumulubog ang araw.

Kuwento ni Rocco sa 24 Oras kinasabwat pa niya ang kapatid at GF nito sa gagawing sunset proposal. Dream daw kasi ni Melissa ‘yung ganun’g klaseng proposal kaya talagang kinarir niya ito.“Kaya iyak siya nang iyak kasi nu’ng naglalakad kasi sabi niya, ‘Oh my goodness, ito na ata ‘yon,” kuwento pa ng aktor.

Pati ‘yung teardrop engagement ring na ipinagawa niya kay Melissa ay kamukha rin ng singsing na gusto ng fiancé na naka-save pa sa cellphone nito five years ago.

Pero siyempre, bago siya nag-propose ay hiningi raw muna niya ang blessing ng kani-kanilang magulang. Pagdating nila sa bahay after the proposal ay naroon ang pamilya nila at sama-sama nilang pinanood ang proposal video.

Sa ngayon ay pinag-uusapan na raw nila ang ilang mga detalye ng kanilang wedding.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with