Bea, ayaw pabayaan ang career
Bea

Bea, ayaw pabayaan ang career

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 25, 2020 - 12:00am

Siguro ay gusto na rin ni Bea Alonzo na mag-full blast sa showbiz career niya kaya naghanap siya ng ibang manager.

Kahit na meron pa siyang network contract sa ABS-CBN kinuha niya as manager si Shirley Kuan ng PAMI. Meaning na sa lahat ng dealings niya, movies, TV at commercials, si Shirley Kuan ang kakausapin.

Mabuti naman dahil sign ito na gusto pa rin ni Bea Alonzo na maging active talaga at harapin ang career niya professionally dahil meron siyang manager.

Sayang naman kung magla-lay low si Bea na isang mahusay at top calibre actress natin.

At least sure ang fans niya na patuloy pa rin siyang gagawa ng projects para mapanood pa rin. At mahusay na manager ang napili niya, dahil isang very professional manager si Shirley.

Congrats sa bagong magka-team. Shake a leg, work na.

Pasko, nakakasabik pa rin

‘Pag nasa daan ka ngayon parang wala namang pandemic. Ang daming tao at sasakyan.

Pag nakita mo ang mga tao sa supermarket na pila-pila sa cashier, iisipin mo na normal na naman ang lahat.

Parang sa tagal ng COVID-19 at nakasanayan na ng tao, parang kahit papaano nawala na nang konti ang takot. Hayun, ‘pag nakita mo ang mga Christmas item, ang gaganda at matutukso kang bilhin.

‘Yung items for gifts, parang wish mo na sana matanggap mo ngayong Pasko. Excited ako, Salve, ha, sana to really have the feeling, magkaroon ng giving spirit ang lahat. It is so nice to give something ngayong season, make people smile and be thankful para mag-spread ng happy feeling around us.

Konti lang naman ang magagasta natin, sige na bumili na kayo ng regalo, mamigay na kayo.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with