Kapamilya X-mas ID, marami na ang wala

Napanood na natin ang Station ID ng GMA 7.

Anytime soon daw, ipapalabas na rin ng Kapamilya ang sarili nilang Station ID, where, of course, marami sa kanilang dating contract talents, na lumipat na ng ibang network ay hindi na natin mapapanood.

Na nakapanghihinayang, since, bukod sa TV screen, mapapanood din ito sa iba pang official platform ng network, tulad sa Facebook, YouTube and iWant.

MMK, fresh episodes na

Sayang at hindi natuloy ang pa-virtual presscon sana ng Maalaala Mo Kaya (MMK), where in attendance would have been the anthology’s long time host, Ma’am Charo Santos-Concio.

Direk Dado Lumibao, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane de Leon, Angel Aquino and Joshua Garcia were supposed to join her.

Kahapon, Thursday, sana ang supposed presscon.

Would they have announced kaya na, henceforth, may bagong episodes muli ang mapapanood sa anthology?

Lately kasi mga replay madalas ang ipinapalabas, na salamat na lang hindi ko lahat napanood.

MMK is considered the longest-running anthology in any network.

Based sa true stories na inulat ng mga nagbabahagi ng kanilang mga kuwento, na ipinadala nila sa MMK, and weekly ay ipinalalabas sa bawat serye ng antho­logy.

The first episode ng MMK was reportedly released in 1991.

Ellen, uunahan si John Lloyd mag-comeback

Tanong lang: How true na mauuna pa raw magbabalik-showbiz si Ellen Adarna kesa kay John Lloyd Cruz? May gagawin na raw itong series.

Kung sabagay, nag-usap na raw sina John Lloyd at Bea Alonzo na early next year, gagawa sila ng movie for Star Cinema.

Sen. Bong, tuloy ang pamimigay ng tablets

How nice naman, Salve A., that Senator Bong Revilla, now, together with wife Bacoor City Mayor, Lani Mercado, continue to distribute ng tablets, yes, sa mga place na ang schools ay alam nilang sobrang naapektuhan ng sunud-sunod na bagyong nagdaan.

Kaya balak daw ni Senator Bong na sa pagbabalik-session ng Senado ay mabanggit sa mga kasamahan ang pagpapatayo ng higit na mahuhusay at matitibay na mga eskuwelahan.

At sana rin, Senator Bong, this suggestion coming from our end, ang makapagpatayo din ang bawat munisipyo ng matitibay at comfortable evacuation centers na puwedeng takbuhan ng mga taong naapektuhan ng bagyo. O whatever tragic incidents na maganap, which we pray will not happen often.

Actually sa mga ganitong sitwasyon, ang kawawa ay ang mga bata at mga senior citizen.

Let’s all support din ang sa tuwina’y paalala sa atin ng gobyerno to take care of our environment.

Kahit siguro ang Maykapal, ito ang hiling sa atin.

Show comments