^

Pang Movies

Paano Ang Pasko... inabot ng mga bagyo

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang virtual presscon kahapon ng Paano Ang Pasko, ang Christmas-serye ng TV5.

Inusisa ko si Direk Ricky Davao kung ano ang masasabi niya sa isa sa stars ng Paano Ang Pasko na si Elijah Canlas.

Si Kokoy de Santos kasi na ka-“love team” ni Elijah sa Gameboys BL (boys’ love) series ng The IdeaFirst Company YouTube channel ay naka-work na niya sa isang pelikula at first time naman nila ni Elijah.

Sobrang puri si Direk Ricky kay Elijah, na siyempre pa ay ikinatuwa ng binata.

Actually, noong makatsikahan ko si Direk Ricky sa hindi pa niya alam ang tungkol sa Paano Ang Pasko project, sinabi na niya na gusto niyang makatrabaho si Elijah at natupad na nga ‘yon.

Bilib din si Direk Ricky sa galing umarte ni Elijah at sinabi pa niyang isa sa pinakabatang best actors ng URIAN ang aktor.

Siyanga pala, sa Monday na magsisimula sa TV5 ang Paano Ang Pasko at ayon sa isa sa mga direktor na si Perci Intalan (na co-producer din), excited sila sa Christmas-serye na ito dahil talagang nahirapan sila sa lock-in taping dahil nga ilang bagyo ang dumaan sa location nila sa Laguna.

Mabuti na nga lang daw at very cooperative ang cast, staff and crew dahil makakatapos naman daw sila ng taping by first week of December.

Alam mo, Ateng Salve, in fairness, maganda ang trailer ng Paano Ang Pasko at mukhang interesting panoorin, huh! ‘Yun na!

Ruffa, sa ‘Pinas muna mamamamasyal

Ang COVID-19 PCR swab testing ng mag-iinang Ruffa Gutierrez, Lorin at Venice Bektas noong Tuesday. Kinailangan nila ng PCR swab testing para sa biyahe nila today pa-Boracay Island.

Isa ‘yon sa requirements sa pagpunta sa nasabing lugar.

To promote local tourism ang isa sa dahilan ng pagpunta sa lugar na ‘yon ng mag-iina at noong September pa nila naplano ang tungkol doon (October nagbukas ang Boracay Island para sa tourism).

Pupunta rin doon ang magkaibigang Raymond Gutierrez at Bubbles Paraiso at to promote local tourism din ang main reason nila.

Maraming celebrities na ang target destination ngayong Christmas season ay ang iba’t ibang tourism destination dito sa Philippines.

Dahil nga sa pandemic, halos walang nagpaplanong mag-spend ng Christmas season sa ibang bansa.

Si Ruffa at ang kanyang mga anak, baka somewhere in Palawan na lang daw mag-Christmas at New Year. Hindi rin naman puwedeng lumayo si Ruffa dahil balik-lock-in taping sila for Stay In Love ng TV5 after ng New Year.

Siyanga pala, after ng swab test nila noong Tuesday, sumama rin sina Lorin at Venice kay Ruffa sa relief operations sa Marikina City.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with