Takot sa COVID… Nanay ng isang sikat na aktres, nagwala sa kissing scene ng anak
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

Inalmahan ng ina ng isang sikat na aktres ang eksenang makikipaghalikan ang anak sa kanyang leading man sa isang project na ginagawa nito.

Natakot ang ina sa COVID-19 kahit negatibo namang lahat ang cast, staff and crew ng project. Masunurin din kasi sa health protocol na social distancing ang ina kaya pumiyok siya.

Eh dahil sa ginawa ng nanay, hindi na itinuloy ang kissing scene ng anak sa kapareha!

Gabbi, may bagong show

Tiyak na maraming millennials at Gen Z ang makaka-relate sa bagong show ni Global Endorser Gabbi Garcia na In Real Life (IRL) na mapapanood very soon sa GMA News TV.

Isang youth-oriented reality program ang IRL kung saan ihahatid ni Gabbi ang latest updates sa iba’t ibang trending topics na ika nga ay  “lit” o “exciting” para sa mga kabataan lalo na ngayong digital age.

Bagay na bagay kay Gabbi ang IRL dahil bukod sa husay niya sa hosting, isa siya sa mga artista ngayon na malakas ang online presence. 

GABBI GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with