Jaclyn, takot na takot pa rin sa COVID
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

Hirap palang mag-adjust si Jaclyn Jose sa new normal dahil may takot pa rin itong lumabas ng kanilang bahay. Dahil sa takot sa COVID-19, hindi raw niya mabisita ang kanyang anak na si Andi Eigenmann at mga apo na sina Ellie at Lilo na kasalukuyang nakatira sa Mandaluyong. “Ang hirap tanggapin at first nu’ng new normal. Actually, hanggang ngayon hindi ko siya matanggap, eh. When you’re not young anymore, you’re looking for your life na kinalakihan, so I think I’m not young anymore to adjust easily. It’s so hard for me. Sobrang ingat, hindi lumalabas. Kahit pagpunta sa mga apo hindi ko ginagawa. Kahit sa market, grocery, everything lahat delivery. But we all have to work, we all have to accept this.”

Inaalala ni Jaclyn si Andi dahil buntis ito ngayon at ang kanyang mga apo na dasal niya ay huwag magkasakit. Minsan na raw nasubukan ng aktres na magpa-swab test para sa pelikulang tinapos niya na Real Life Fiction with Piolo Pascual and Jasmine Curtis-Smith. After daw no’n ay ayaw na niyang lumabas.

“Actually, noon pa sinabi ko na before I start, once naka-swab na, I can’t go out anymore. That’s what I did before, eh, with the movie I did, eh. After swabbing hindi na ako lumalabas. Hindi ako nagpapapasok. Actually, ganu’n naman ang ginagawa ko but ngayon mas maingat,” diin ni Jaclyn.

Kahit takot ay wala raw choice si Jaclyn kundi ang harapin ito para hindi siya mawalan ng trabaho. May sisimulan siyang new movie with Kylie Verzosa title The Housemaid.

BB Pilipinas winners, nag-reunion 

Naging masaya ang reunion ng mga past Miss Universe Philippines winners na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon at Ariella Arida.

Umupo kasi sila bilang hurado sa kauna-unahang Miss Universe Philippines 2020 pageant na ginanap sa Baguio City.

Dobleng saya ito for Janine Tugonon dahil matagal na siyang naka-base sa Amerika after siyang tanghaling first runner-up sa Miss Universe 2012. Nagtatrabaho bilang model si Janine sa Amerika for the past eight years.

Sa kanyang Instagram, pinost niya ang muling pagsasama nila nila Venus, Shamcey, Ariella at Gazini Ganados. “VERY HAPPY TO BE REUNITED WITH THESE LADIES,” caption ni Janine.

Pero mabilis din na kinailangang makabalik sa US ni Janine. Thankful siya na naging part siya ng kauna-unahang MUP pageant.

Arnold Schwarzenegger, tatlong beses nagpa-open heart surgery

Sa edad na 73, hinarap ng Hollywood superstar na si Arnold Schwarzenegger ang ikatlong open heart surgery. “I have a new aortic valve to go along with my new pulmonary valve from my last surgery. I feel fantastic and have already been walking the streets of Cleveland enjoying your amazing statues,” post ni Arnold sa Instagram last October 24.

Huling open heart surgery ng aktor ay noong 2018 dahil nagkaroon ng complication mula sa catheter valve replacement. Tweet pa ng aktor, “It’s true: I’m back! I went to sleep expecting to wake up with a small incision and woke up with a big one –but guess what? I woke up, and that’s something to be thankful for. Thank you to the doctors & nurses. And I’m truly filled with gratitude for all of the kind messages.”

Unang heart surgery ni Arnold ay noong 2000 to replace a congenitally defective aortic heart valve.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with