Sen. Manny, sasabak sa noontime show ng PTV4?!

Alam mo, Ateng Salve, magiging mas matindi ang tapatan ng noontime shows dahil hindi lang ang It’s Showtime ng ABS-CBN, Eat Bulaga ng GMA 7 (produced by TAPE, Inc.), Lunch Out Loud ng TV5 (produced by businessman Albee Beni­tez of Brightlight Productions) at Happy Time ng Net25 ang aariba sa tanghalian. Magkakaroon din ng noontime show ang PTV4.

Pero blocktimer ang noontime show na papasok sa government-owned TV network. Ang tsika, ang talent manager at businessman na si Arnold Vegafria ang isa sa mga producer nito.

Inaayos na lang daw ang tungkol sa rate card para sa timeslot na ‘yon at magkakapirmahan na ng kontrata.

May isa ring show na nasa timeslot na ‘yon ang kailangang i-move (ang press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque) at go na go na raw ang nasabing noontime show.

Napakaraming mga alaga ni ALV (tawag kay Arnold), kaya napakarami niyang puwedeng ilagay para mag-host kung sakaling matuloy ito.

Puwede rin kaya na paminsan-minsan ay mapanood doon ang Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao since alaga rin siya ni ALV?

Why not! Bukod sa noontime show na ‘yon, may iba pa rin daw blocktimed shows na papasok sa PTV4.

Ang bongga lang ng PTV4 ngayon lalo na at si Ms. Kat de Castro na ang namamahala doon, huh! ‘Yun na!

Ruffa, reynang-reyna ng lock-in

Maaga kaming magka-text kahapon ni Ruffa Gutierrez. “What time ka magla-lock-in sa hotel for Stay In Love?” tanong ko. “Hello! Tomorrow pa. Watching Miss Universe Philippines now!” sagot ni Ruffa.

Hmph! Siya ang nagsabing Sunday ang lock-in nila sa hotel at Monday ang first taping day nila para sa romantic-comedy series ng TV5. “Na-delay. One day lang naman. Moved lang ng one day. May inaayos pa yata for the taping, kaya bukas pa ang lock-in namin sa hotel and Tuesday pa first taping day,” sey niya.

So, na-enjoy nga raw niya ang panonood ng Miss Universe Philippines dahil hindi siya nagra-rush at pahinga lang siya yesterday. “Maganda ang pageant!” sey ni Ruffa.

So, ano ang masasabi niya sa winner na si Rabiya Mateo (Miss Iloilo)? ‘She answered well!!  It was really a close fight between her and Miss Parañaque (Ysabella Roxas Ysmael). ‘Congratulations Rabiya and we wish you the best of luck!!! She was Elvis (Gutierrez, her brother) bet! Top 3 were all good!” sabi ni Ruffa.

Anyway, naaliw si Ruffa sa bansag na isa siya sa “lock-in beauties” ng showbiz ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Noong puwede na kasing mag-taping uli, isa si Ruffa sa mga artistang naunang mag-lock-in sa taping ng Love Thy Woman ng ABS-CBN.

After that, nag-lock-in shooting naman siya sa Batangas for The House Arrest Of Us na digital movie series na pinagbibidahan ng reel and real sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi sila natapos noong una, kaya bumalik pa sila sa Batangas para sa phase 2 ng kanilang lock-in shooting.

At ngayon nga, pa-lock-in na naman siya sa Stay In Love with Maris Racal and Kokoy de Santos. Ang bongga lang!

Show comments