Dimples, pumasang komedyana
Dimples
Dimples, pumasang komedyana
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

Wow, Salve A., let’s give Dimples Romana a hand, dahil maganda ang naging feedback sa kanyang performance sa first sitcom niya ever, Oh My Dad.

As we all know, Dimples is more of a drama actress. Pinuri-puri siya to the max for her semi-kontrabida role sa katatapos na trending series, Kadenang Ginto.

She was supposed to do a drama film for the Kapamilya, na napurnada, dahil nga sa ‘di pagka-renew ng franchise ng ABS-CBN, na ang film firm nito, Star Cinema, sana ang producer.

Oh My Dad marks, too, the first time na kapareha niya si Ian Vene­racion, na child actor pa lamang ay nasabak na sa comedy, as he played the young son of Joey de Leon in the sitcom, Joey and Son.

Directed by Jeffrey Jeturian, Oh My Dad stars, too, Gloria Diaz and Ariel Ureta, plus Sue Ramirez and Louise Abuel.

Willie hindi nakikisawsaw kay Tekla

Sana nga, huwag nang, kumbaga, “sumawsaw” si Willie Revillame sa kasalukuyang kontrobersiya na kinasusuungan ni Super Tekla.

Kung sabagay, wala rin lang comment si Willie, noong umalis both bilang co-hosts niya sina Super Tekla at Donita Nose. In fact, ‘di ba, noong nagkaproblema si Super Tekla tungkol sa bago niyang anak, na diumano’y kailangang operahan, isa sa nagpadala ng tulong ay si Willie.

And he didn’t mention anything about it in his show,

Well, Willie, winner ka sa amin sa pananahimik dito.

Samantala, ang tanong, with this ongoing controversy about him, will Super Tekla appear sa kanyang programa mamayang gabi, The Boobay and Tekla Show?

The show is directed by Rico Gu­tierrez.

It has a different appeal, so far.

Korina may regular yaya kina Pepe and Pilar

Maliban sa siya ang host ng kanyang programang Rated Korina sa TV5, si Korina Sanchez din ang line producer nito for Brightlight Productions, which is, of course, producing the show, well, for TV5.

Kasama raw ni Korina sa kanyang paglipat sa TV5, yes, from ABS-CBN, ang ibang staff niya. Which she considers na privilege, since they know each other nga naman.

Husband Mar Roxas, former DILG (Department of Interior and Local Government) Secretary has his blessings. Kaya, alam din daw nito, na naging maayos ang pag-alis niya sa Kapamilya.

Former Sen. Mar is himself not busy.

Assigned siya to be the ‘yaya’ of their twins, sina Pepe at Pilar.

DIMPLES ROMANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with