Buboy, battered child noon!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

Personal na inamin sa inyong lingkod ng young singer-actor na si Buboy Villar na dalawang taon na umano silang hiwalay ng kanyang American ex-partner at ina ng dalawa niyang mga anak na si Angillyn Gorens pero sa kabila nito ay nanantili silang magkaibigan hanggang ngayon. “Nagkakatawagan pa rin kami, nagbi-video call kasama ang mga bata,” ani Buboy who admits na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang dating partner.

Ang dalawa nilang anak na sina Vlanz Karollyn (3) at Michael George (1) ay parehong nasa pangangalaga ng Filipino adoptive parents ni Angillyn pero sila’y malayang nabibisita at nahihiram ni Buboy.

Si Angillyn ay bumalik ng Amerika kung saan ito nagta-trabaho at nagtu-tulungan sila ni Buboy sa mga pangangailangan ng mga bata.

Samantala, naipagpatayo ni Buboy ng bahay ang kanyang separated parents. Although may ibang partner na ang kanyang ina, magkakasama sila sa isang bubong. Kinausap umano niya pareho ang kanyang Mama at Papa na pumayag naman sa kanilang set-up ngayon.

Mabait na anak si Buboy kahit siya’y naging battered child sa kanyang ama na isang alcoholic.

Although mahusay na singer si Buboy, ito’y natakpan na sa kanyang pagiging isang mahusay na actor. Si Buboy ay isa ring successful YouTuber at meron na siyang mahigit 1M subscribers.

Direk Al, dalawang dekadang nakatrabaho si Nora

Pumanaw na ang veteran dancer, choreographer, dance director, stage and TV director at painter na si Al Quinn, Alcuin Gargaritano Pastrano sa tunay na buhay.

Si Direk Al or Tito Al as he is fondly called in the industry ay sumakabilang buhay nung nakaraang Friday, October 23 (US time) sa California, USA kung saan siya at ang kanyang pamilya naka-base.

Si Direk Al ay mahigit isang dekada na naging director ni Nora Aunor sa kanyang Superstar show sa RPN9. Naging in-demand director din siya ng iba’t ibang major events (for TV) .

Si Direk Al ay hiwalay sa kanyang unang asawa, ang dating actress na si Lani Oteyza (Elizabeth Barnes)  kung kanino siya may limang anak.  Tatlo naman ang kanyang anak sa kanyang second and present wife na si Elizabeth Bolanos, da­ting flight stewardess ng Cathay Pacific Airlines.

Nakikiramay po kami sa mga naulila ni Direk Al.

BUBOY VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with