^

Pang Movies

Lovi tinapos muna ang trabaho bago dinalaw si Monty

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Muli nang nagkasama ang mag-sweetheart na sina Kapuso actress Lovi Poe at ang US-based British writer-producer na si Monty Blencowe. Ilang buwan din silang LDR (long distance relationship), dahil sa umiiral na pandemic, nang pareho silang abutan ng lockdown, si Lovi sa bansa at si Monty sa USA.

Pero last month (September), nagkaroon na ng chance na makaalis si Lovi para makapunta ng US at mabisita si Monty. “Dumaan din po ako sa proseso at sinunod ang health protocols na required sa mga gustong umalis ng bansa,” kuwento ni Lovi.  “Saka tinapos ko po muna ang taping ko ng new drama anthology ng GMA Network, ang I Can See You (sa episode naming High Rise Lovers with Tom Rodriguez and Winwyn Marquez.  Tamang-tama naman na finale na ito tonight, October 16, 9:15 p.m.,) kaya libre na akong umalis.”

Napanatili raw nila ang communications nila dahil may trust and respect, give ang take sila sa isa’t isa, sa kanilang relasyon.

Nag-expand ng platform...

Nagdiwang ang buong GMA Network, cast at production staff ng biggest Philippine adaptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun sa kabila ng pandemic na nararanasan natin ngayon dahil sa magandang balitang natanggap nila at ibinahagi nilang mapapanood na natin ang 65 episodes ng serye sa Netflix simula sa November 13.

Ang DOTS PH ang kauna-unahang GMA program to be streamed on Netflix. Mapapanood ito ng eight consecutive Fridays simula sa November 13. 

Isa rin itong pag-expand ng GMA Network ng kanilang platform, strengthening its digital presence.

Samantala, magsisimula ulit ang airing ng DOTS PH sa October 26, sa pamamagitan ng two-week recap. At sa November 5 na magsisimulang mapanood ang fresh episodes ng serye sa GMA Telebabad, 9:15 p.m., pagkatapos ng Encantadia sa GMA 7.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with