Mga artista, puwede pang palakasin ang mga paninda
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 12, 2020 - 12:00am

Maganda siguro kung magsasama-sama ang mga artistang may negosyo sa isang market place kung saan makikita mo ang mga produkto nila tulad halimbawa ng mga pagkain o halaman o kahit ano na pinagbibili nila.

‘Yung para bang Artists’ Market, kung saan pupuntahan ng lahat makita lang ang mga tinda nila na parang Salcedo Market kung saan bumibili ng ulam sina Gorgy Rula at Jerry Olea ‘pag Sabado.

Madalas dito pumupunta ang mga sosyalera, dahil ang mga nagtitinda ay mga sosyal din. Maayos at malinis daw sabi ni Gorgy.

Kung may ganun, makakakuha sila ng buyers ng products nila at kung magtagumpay, ‘di ituluy-tuloy na at maging fallback pa nila in the future.

Balitang masasarap ang mga pagkain ng ilang artista na nasa food business, bongga naman daw ang plants na tinda nila Rocco Nacino, meron ding mga artista na may panindang ilang knick knacks na puwedeng magustuhan ng mga bumibili.

Kaya, go hanap ng lugar, doon kayo gumawa ng koneksiyon para mas lumago ang mga business n’yo. Mas magiging mabenta pa ang products n’yo. 

Sanya, mabigat ang challenge bilang kapalit ni Marian

Hanga ako sa talent at ganda ni Sanya Lopez na papalit kay Marian Rivera sa First Yaya kaya nga lang sure ako na malaking challenge ang haharapin niya, dahil ang pinalitan niya ay isang Marian Rivera. Pero malay natin, baka nga mas bumagay pa kay Sanya ang role na sana ay para kay Marian.

Nakikita ko ang malaking potential ni Sanya at siya ang partner ni Bong Revilla sa series niyang ginagawa sa GMA.

Wish ko nga lang na hindi ma-intimidate si Sanya dahil nga sa bigat ng challenge na haharapin niya pero hindi naman ibibigay sa kanya ng GMA ang role kung hindi nakikita na kakayanin niya.

Good luck, Sanya, at wish you the luck na maglalagay sa iyo sa itaas with all the good breaks na binibigay sa iyo ng Artists Center.

SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with