Jennylyn, awang-awa sa mga pusang imported na ayaw pakawalan ng Bureau of Animals

Awang-awa si Jennylyn Mercado sa 18 imported cats na naka-hold ngayon sa Bureau of Animals base na rin sa Facebook post ng isang netizen na nagmamay-ari ng mga pusa.

Ipinost ni Jen ang screenshot ng post ng owner ng 18 cats na nagmamakaawa na i-release na ang mga pusa dahil magkakasama raw ang mga ito sa isang maliit na cage at ang iba’y nagkakasakit na raw.

“Yung isang cat na hawak ko po may sugat napo ang paw nya hindi nya maitapak ng hinahawakan ko nasasaktan nilalayo nya may ibang pusa po na sinisipon narin.

“Bigyan nyo po ng action to hindi po to tama para mag pa RTO kayo ng hayup na wala naman pong Quarantine facilities.. baka kung anong sakit na makuha nila dyan sa sobrang dumi Araw araw dumi nila mismo hinihigaan nila...” ang bahagi ng post ng netizen.

Sa tweet ni Jen ay humihingi siya ng tulong para sa mga pusa at kinondena ang pagmamalupit sa hayop.

“Kawawa sila. Does anyone know who is responsible for this and paano natin sila matutulungan? This is so cruel!” ang tweet ni Jen kahapon.

Sa mga hindi nakakaalam ay cat lover si Jen at napakarami niyang alagang pusa, 15 to be exact. In fact, nagtayo pa sila ng cat café ni Dennis Trillo called Litterbucks, a coffee shop and at the same time ay para rin sa mga cat lovers wherein puwedeng makipaglaro ang guests sa kanilang feline friends.

Sunshine at Gabby, gusto na uling maging normal

Tulad ng marami, wish nina Sunshine Dizon at Gabby Eigenmann ngayong darating na Kapaskuhan ang matapos na ang COVID-19 pandemic. Ang dalawang Kapuso actors ang bibida sa upcoming fresh episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado (October 10). “Sana matapos na ang pandemic at bumalik na sa normal lahat,” share ni Sunshine nang matanong kung ano ang natatangi niyang “wish” this Christmas.

Say naman ni Gabby, “Dalawa lang wish ko: ang matapos na pandemya at maging normal na ang buhay; at higit sa lahat makasama ang mga mahal mo sa buhay nang masaya.”

Parehong nanibago sina Sunshine at Gabby sa taping para sa new episode ng Wish Ko Lang. Para kay Sunshine, unforgettable raw sa kanya ang buong “experience of dealing with the new normal.”

Pinamagatang Nilamon ng Lupa ang naturang episode kung saan makakasama rin nila sina Klea Pineda at Kelvin Miranda. Kuwento ito ng pamilyang naging biktima ng isang sinkhole at mapapanood ngayong Sabado (Oct. 10), 4 p.m. sa GMA Network.

Show comments