Aamin na kaya? Julia, nilantad ang suporta sa negosyo ni Gerald!
Julia
Aamin na kaya? Julia, nilantad ang suporta sa negosyo ni Gerald!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 2, 2020 - 12:00am

“Sila siguro talaga,” ang comment ng followers ni Gerald Anderson matapos i-IG story ni Julia Barretto ang ‘logo’ ng Hayati Private Resort ng actor sa Zambales. Naka-tag ang actor sa nasabing post ni Julia.

Pero may kasamang imbyerna ang mga comment ng ibang followers.

Bakit daw kasi kailangan pa nilang magsinungaling kung talagang sila talaga.

Sana raw umamin na lang sila dahil wala namang masama kung may something na namamagitan sa kanila na noon pa isyu.

Ahhh, kung sabagay lahat ngayon sa social media, pakialamera at pakialamero. Lahat din may opinion.

Besides, wala namang masama kung suportado ito ni Julia na kamakailan lang ay kinasuhan si Jay Sonza ng pagkakalat ng fake news tungkol sa kanila ni Gerald.

Anyway, handang-handa na nga kasing tumanggap ng bisita ang pag-aaring private resort ni Gerard na ang sosyal ng dating, mamahalin ang setup.

Base sa mga litrato nito, malaki ang investment ng actor sa nasabing resort na tinutukan niya ang pagpapalakad simula noong lockdown base sa kanyang mga social media post.

Kamakailan lang nang pagsuspetsahang si Julia ang babaeng may long hair sa resort ng Kapamilya actor na wala pang paramdam na iiwan ang ABS-CBN habang wala itong franchise.

Nauna nang lumipat sa Viva si Julia.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with