^

Pang Movies

Marian, handa nang sumalang sa teatro

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, handa nang sumalang sa teatro
Marian

Kasado na ang unang pagsalang ni Marian Rivera sa isang stage play.

Inanunsyo ito ng director na si Katskie Flores sa kanyang social media account sa isang virtual meeting na naganap kung saan kanyang winelcome si Yan Yan.

Ang play ay may title na Oedipus Rex at sa Tanghalang Ateneo ito magaganap.

Wala pang ibang detalyeng inilabas kaugnay ng pagpayag ni Marian na lumabas sa isang stage play at kailan ito maisasakatuparan.

Bagong hamon ito sa pagiging aktres ni Yan Yan, huh!

Ruffa, proud na kasama ang KathNiel

Buong ningning na ipinagmalaki ni Ruffa Gutierrez na kasama siya sa cast ng digi-movie series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na The House Arrest Of Us. Tweet ni Ruffa, “Yayyyyy! I can finally announce that I’m part of #TheHOUSEEARRESTOFUS. Showing on October 24 na.

“Please support our super sweet, humble, well-loved box-office superstars Daniel Padilla and @bernardokath #KathNiel.”

Ang balita namin ay lock in ang shooting/taping na ginawa ng cast para sa digi-movie.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with