Janella at Markus, seven weeks na lang ang hinihintay
Janella at Markus
Janella at Markus, seven weeks na lang ang hinihintay
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 1, 2020 - 12:00am

Sa kanyang inilabas na video sa kanyang social media account, na may bahagi pang kasama niya si Janella Salvador, sinabi ni Mark Paterson na “see you in seven weeks.” Para niyang sinasabi na mas magiging visible na sila mga last week of November. Bakit seven weeks, totoo ba iyong tsismis na may mangyayari sa next four weeks?

Matagal nang umuugong ang tsismis na may ine-expect silang darating sa buwang ito. Marami ang nagtatanong at wala isa man sa kanila ang sumasagot. Kaya noong sabihin nga ni Markus na “see you in seven weeks” lalong tumibay ang paniniwala nila na may darating na nga sa buwang ito.

Baby ba ‘yun?

Serye ng KathNiel, eksperimento?!

Bagong eksperimento na naman ang papasukin ng ABS-CBN sa ilalabas nilang 13 part series ng KathNiel. Para mapanood ninyo iyan, kailangang magbayad kayo ng P499. Kung mabayaran na ninyo ang pass, mayroon na kayong password, at mabubuksan na ninyo ang video sa website.

Hindi maaaring ipasa ang password, dahil oras na may panibagong mag-load ng password na iyon, agad na mapuputol ang isa pang naka-connect. Ibig sabihin kung sino lang iyong talagang nagbayad, siya ang mapapanood. Kung ikakalat niya iyon, siya ang hindi makakapanood.

Pero alam naman ninyo ang mga Pinoy, lalo na ang mga nagre-repair ng mga cellphone sa malls,  madaling humanap ng program para mai-download iyan at sigurado may magda-download niyan. Tiyak iyon iaalok nila ang 13 part series na isasalin sa inyong flashdrive sa halagang isang daan.

Medyo may kaba na kami sa proyektong iyan ng KathNiel. Nasanay kasi ang Pinoy na ang mga ganyang serye ay napapanood sa free TV, nasabi na nga naming baka kung sa cable lang o sa internet ipalalabas iyan ay hindi magkaroon ng following na kasing tindi ng mga ginagawa noon ng KathNiel. Isa pa, matagal na rin namang napahinga ang kanilang love team. Kung ganyan pa na mapapanood lamang sa pay websites, baka manibago ang mga tao at mahirapan ang serye.

Pero kailangan din nilang gawin iyon. Una, hindi na ganoon kalakas ang advertising support, kasi nga wala sila sa free TV. Mura lang ang commercials kung sa cable at sa internet ka lang napapanood. Kung ganyan na may bayad pa sa internet, mas magiging limitado ang kanilang audience.

Aywan namin kung lalagyan pa nila iyan ng commercials. Kung makalusot iyan, may bago na naman silang mapagkakakitaan. Kung hindi naman makalusot, madali nilang ihanap iyan ng blocktime sa isang free TV.

ABS-CBN, hinihintay kung kailan magkaka-franchise uli

Mas madali kaya ang muling pagsasampa ng application ng ABS-CBN para sa panibagong franchise ngayong magpapalit na ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso?

Isa iyan sa mga posibilidad na sinasabi noon, pero ang paniwala namin, magkaroon man ng pagpapalitan ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso, baka hindi pa rin naman lumusot ang panibagong franchise.

Dapat na alalahanin na sino man ang maupo riyan, nangyari lamang iyon dahil namagitan si Presidente Digong, at hindi naman siguro kalabisang sabihin na masama ang loob ng presidente sa kanilang network. Kaya nangyari lahat iyan dahil doon eh.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with