^

Pang Movies

Robin at pamilya, ligtas na sa virus

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Robin at pamilya, ligtas na sa virus

Magaling na si Robin Padilla at ang kanyang pamilya after two weeks of infection. Sa kanyang Instagram post, “walang pinipili ang sakit kaya mag-ingat po tayo.”

Nagsimula raw ang pagkalat ng flu virus sa kanya sa baradong ilong, ubo, na lumipat sa anak nilang si Isabela, lumipat kay Mariel at sa isa pa nilang anak.  Naagapan daw ang pagkalat sa ibang kasama nila sa bahay dahil nag-quarantine agad sila, uminom ng vitamin C at nagpa-flu vaccine sa mga hindi carrier.

Pinasalamatan ni Robin si Mariel na kahit daw may sakit ay inasikaso pa silang lahat, ang kanyang Mama Eva Cariño na laging na­ngungumusta, sa manager niyang si @betchayvidanes sa pagpapadala ng kahon ng airborne vitamin C, at sa mga doctor sa Dr. Jesus Delgado Hospital at sa mga frontliner na nag-asikaso sa kanyang general check-up.

At salamat din sa lahat ng panalangin para sa kanilang paggaling. Dugtong naman ni @marieltpadilla Praise God okay na tayong lahat.

Ryza, hindi inakalang magkakanak

Excited na si Viva Artist Ryza Cenon sa nalalapit niyang pagsisilang, two months from now. Baby boy ang first child nila ng boyfriend na si Miguel Antonio Cruz, a cinematographer. At ngayon pa lamang, may name nang ibinigay sa kanya ang mag-partner: Night. Bakit Night, ang baby raw ang nagbibigay ng light sa kanilang mga gabi – always good night daw sila.

May reason naman pala si Ryza kung bakit excited na siyang isilang ang kanilang baby boy sa kabila ng pandemic na nararanasan natin ngayon.  Answered prayer daw ang isisilang ni Ryza, dahil akala niya hindi siya puwedeng magkaanak dahil may inverted uterus siya. Kaya dinasal niyang sana’y bigyan siya kahit isang anak lamang, ipagpapasalamat na niya. 

At ngayon ngang malapit na siyang magsilang, nilalakasan ni Ryza ang loob niya dahil sa hospital siya magsisilang at malaki raw ang paniniwala niya sa kakayahan ng kanyang OB-Gyne.

All-Out… babalik na sa studio

Tuloy na ang pagbabalik muli sa TV ng Sunday noontime show na All-Out Sundays bukas, September 27.  Excited ang bumubuo ng cast dahil sa loob ng six months ay lagi silang ‘Stay Home Party’ sa kani-kanilang bahay. 

Kaya naman maingat ang GMA Network na sundin ang health protocols para sa selected cast members at limited crew na babalik sa GMA Network Annex Studio-7.  Mapapanood sila simula 12:00 noon to 1:45 p.m.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with