Myrtle, magre-renew ng kontrata kahit pandemic
Myrtle
Myrtle, magre-renew ng kontrata kahit pandemic
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 25, 2020 - 12:00am

Makikita uli natin si Aileen Go ng Mega-Soft at si lola Budingding ni Sandara Park ngayong araw dahil renewal of contract ni Myrtle Sarroza para sa Secret napkins.

Bongga, dahil matagal nating na-miss ang mabait na si Aileen Go ng MegaSoft na enjoy kasama noong nagpunta tayo sa Korea nila Rose Garcia. Cowboy na cowboy at walang arte kaya naman masarap kasama. At doon din natin nakita kung gaano ka-close si lola Budingding kay Sandara Park.

Nakakatuwa naman ang binibigay na importansiya ni Aileen Go kay Myrtle, na talagang parang anak ang turing niya dahil alagang-alaga niya.

‘Katuwa rin na kahit pandemic heto at meron pa ring trabaho si Myrtle na ngayon ay nasa GMA Artists Center na.

Nice to meet with friends, kahit pa nga ngayon na panahon ng pandemic at maraming restrictions, heto at merong mga negosyanteng tulad ni Aileen Go ng MegaSoft na tuloy ang pagkilos para mabuhay ang industriya at ekonomiya.

Go go, MegaSoft, at congrats, Aileen Go and Myrtle Sarroza. 

Napanalunang tablet, dini-deliver

Bongga naman pala ‘yung mga tablet na napanalunan sa pa-raffle ni Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook Live dahil personal na idi-deliver sa bahay ng mga nanalo.

Tuwang-tuwa ang magnanay na Mel at MJ, dahil hinatid ng To Go delivery rider ang tablet na na-win ni MJ dahil nga sumali siya sa pa-game at ngayon ay gamit na niya sa home study niya.

Gustung-gusto ni MJ na ang laki ng screen at talagang ang clear ng bagong gadget at panay ang congratulation sa kanya ng teacher at mga classmate na nagpi-pray ding manalo sila kahit na cellphone na magagamit din sa home studies.

Small joy not only for the winner kundi pati na kay Bong Revilla na tuwang-tuwa doon sa mga bata na nag-post ng “Thank You, Tito Bong.” Very appreciative sila sa natanggap na regalo, at very happy naman si Bong sa na-feel nilang ligaya.

Hay naku, pati si Gorgy Rula at Joebar sumasali sa contest ha, kaloka sila, pero promise naman nila na sa mga pamangkin nilang nag-aaral ibibigay ang gadgets na napanalunan nila. Bongga.

MYRTLE SARROZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with