Di rin daw kailangang mangutang Heaven, may bagong dyowa na
Heaven
Di rin daw kailangang mangutang Heaven, may bagong dyowa na
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 15, 2020 - 12:00am

May fans si Heaven Peralejo na ayaw maniwalang nanghingi siya ng P100,000 kay Sen. Manny Pacquiao, dahil hindi naman daw naghihirap ang pamilya nito.

Saka sabi ng fans, nakapag-donate pa nga ng P50,000 sa ABS-CBN Foundation, kaya paano raw ito manghihingi ng pera kay Sen. Manny.

Sa comments sa Instagram page ni Heaven, may nabasa kaming may boyfriend na ang aktres at Ricci ang pangalan.

Walang binanggit na apelyido ang fans kung sino ang Ricci na ito. Siya kaya ang basketball player na si Ricci Rivero?

Nagtatanong lang po kami, nabasa lang namin.

Marian balik negosyo na, pinalipas ang ghost month

May pa-sample si Marian Rivera ng Flora Vida by Marian new collection na ilu-launch after the Ghost Month at dahil hanggang bukas na lang, September 16, ang ghost month, any day now, magkakaroon na ito ng launching.

Sa nabasa naming comments, marami na ang naghihintay na i-post ni Marian ang ibang flower arrangement niya ng dried flowers para makapili raw sila.

May mga nag-inquire na rin kung paano makakapag-order at kung magkano. May nagtanong kay Marian kung walang mura sa flower arrangement ng Flora Vida at dahil sa sagot ni Marian na “meron” mas marami pa ang naging interesadong mag-order.

Bago na rin pati ang vases na gagamitin para sa new collection ng Flora Vida na gawa ng mga taga-Paete, Laguna. Nilinaw na ni Marian na walang pinutol na puno para gamitin sa vases, dahil rescued Mango tree ang ginamit.

Hindi na poproblemahin ni Marian ang delivery ng mag-o-order ng Flora Vida by Marian, dahil may magde-deliver na at sila ay ang riders ng Dingdong.PH na delivery app nina Dingdong Dantes at mga kaibigan.

Ang Flora Vida by Marian ang dahilan kung bakit nag-enroll ng online class si Marian “being an entrepreneur need mong may alam ako sa business,” sabi ni Marian. Bukod sa online class na makakatulong sa business niya, mag-i-enroll din ‘di Marian kay Chef Heny Sison at hindi lang daw sa pagbe-bake ng cake ang gusto niyang matutunan, marami pa siyang gustong malaman.

Mga Kapamilya na lulundag sa TV5, inakusahang walang utang na loob

Nagalit ang fans sa Kapamilya stars na ang mga litrato ay ginamit sa balitang ilan sa Kapamilya stars ang kumpirmadong mapapanood na sa TV5. Nasa litrato sina Piolo Pascual, Ian Veneracion, Dimples Romana, Beauty Gonzalez, Korina Sanchez, Alex Gonzaga at Catriona Gray.

Sabi ng Kapamilya fan, ‘wag nang bumalik sa ABS-CBN ang mga nabanggit kapag nakabalik na sa ere ang ABS-CBN. Tinawag pang mga walang utang na loob ang mga nabanggit at pera lang daw ang importante sa kanila. Nalaman daw tuloy kung sino ang loyal sa kanila pagdating ng matinding pagsubok.

May nagpaliwanag naman na fan at sinabing hindi lilipat ang mga nabanggit at si Johnny Manahan pa rin naman ang nasa likod ng shows ng ABS-CBN. Magiging blocktimer lang ang ABS-CBN at bibili lang ng airtime sa TV5.

Dagdag pa ng isang fan, hindi betrayal ang gagawin ng Kapamilya stars na magkakaroon ng show sa TV5, kailangan din nilang magtrabaho para mabuhay at sa halip na magalit, mas maganda kung susuportahan sila na tamang gawin.

Mark at Nicole, nakabuo ng lockdown baby

Magiging daddy na uli si Mark Herras dahil buntis ang GF nitong si Nicole Donesa at parang pandemic baby ang ipinagbubuntis ni Nicole, dahil nag-live in sila noong simula ng lockdown sa bahay ni Mark.

Sa post ni Nicole ng photo nila ni Mark, sabi lang nito, “Yes, we are...” at ang ibang details sa pagbubuntis ay nasa vlog na niya.

Speaking of Nicole, hindi na yata siya nakabalik sa taping ng Descendants of the Sun nang mag-resume ng taping.

Baka nga naman magulat ang viewers na makitang malaki na ang tiyan ng karakter na ginagampanan ni Nicole, kung isinama pa ang karakter niya sa taping ng mga kasunod na episodes.

HEAVEN PERALEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with