John Lloyd, wala nang balak bumalik ng Maynila
John Lloyd, wala nang balak bumalik ng Maynila
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - September 12, 2020 - 12:00am

Nauwi man sa hiwalayan ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, nagdesisyon naman ang aktor na mag-stay na rin sa hometown ni Ellen sa Cebu para malapit ito sa kanilang anak ng actress.

While Elias stays with his mom most of the week, kinukuha naman ang bata ng kanyang ama at least twice a week. 

At habang lumalaki si Elias ay sanay na siya sa set-up ng kanyang hiwalay na magulang.

Si Elias ay isinilang sa Cebu noong June 27, 2020.

Piolo, parte na rin ng Beautederm

Sobrang nag-level up na ang Beautederm Corporation na pinamumunuan ng founding President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan dahil ang Kapamilya ultimate heartthrob na si Piolo Pascual ang kanilang  pinakabagong brand ambassador who is going to be launched this month.

Si Piolo ang pinakabagong karagdagan sa lumalaking pamilya ng mga brand ambassadors ng Beautederm na kinabibilangan nina Marian Rivera, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Arjo Atayde, Ria Atayde, ang mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, couple Rochelle Barrameda and Jimwell Stevens, Sanya Lopez, Camille Prats, Ken Chan, Rita Daniela, EJ Falcon, Sherilyn Reyes, Rhyle Santiago, Maricel Morales, Gabby Concepcion, Carlo Aquino, Darren Espanto at iba pa.

Ang Beautederm ay meron nang mahigit 200 physical stores nationwide and counting. Meron na rin itong branch sa Lucky Plaza ng Singapore and eventually sa iba pang bansa.

Kakai, nabiktima rin ng COVID

Magaling na ang singer-actress-comedian na si Kakai Bautista na nagkaroon din coronavirus (COVID-19).  She was asymptomatic.

Ayon kay Kakai, dapat umanong seryosohin ng lahat ang nakamamatay na coronavirus na hanggang ngayon ay patuloy pa ring kumakalat, nakakahawa at kumikitil ng buhay, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Si Kakai ay isa sa ilang celebrities na kinapitan ng virus na gumaling na kinabilangan din nina Christopher de Leon, Iza Calzado, Michael V., Sen. Bong Revilla at iba pa.

Joey at Vic, mga bagong lolo uli

May mga apo na ang veteran TV host, actor-comedian and writer na si Joey de Leon sa dalawang mga nakatatandang anak niya sa unang asawang si Daria Ramirez na sina Cheenee de leon at Keempee de Leon. 

Pero unang apo niya si Baby Jakob sa kanilang anak ng second wife niyang si Aileen Macapagal-de Leon na si Jaco de leon sa misis nitong si Gill Salita.

Since malalaki na ang mga apo ni Joey kina Chee­nee at Keempee, sobra siyang aliw sa kanyang bunsong apo na isinama pa niya sa paghu-host ng Eat Bulaga. Tulad ni Vic Sotto, work from home din si Joey.

Samantala, kung may bagong apo si Joey kay Jaco, may bago ring apo si Vic sa kanyang anak na si Paulina Sotto-Llanes sa mister nitong si Jed Llanes na si Baby Sachi Brielle na isinilang naman last September 7.

Ang ina ni Paulina ay ang dating actress-host na si Angela Luz na nagmula sa pamilya ng mga kilalang pintor.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with