Marian, malakas magdasal kay Mama Mary

Binigyang-papuri ni Marian Rivera ang Mahal Na Birheng Maria sa kaarawan niya kahapon, September 8.

Idinaan ni Yan ang pagbati kay Inang Maria sa kanyang Instagram stories.

“Happy birthday, Mama Mary,” caption ni Marian sa IG kasama sa picture ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

May pandemya man o wala, matatag ang pananampalataya ni Yan hindi lang sa Panginoon kundi pati kay Virgin Mary.

Eh sure na kampante na ngayon ang GMA Primetime Queen dahil nakapag-usap na sila ng asawang si Dingdong Dantes kahit nakakulong sa taping ng Descendants of the Sun habang nasa bundok ng Rizal.

Sa IG ni Dong, na-miss niya nang todo ang asawa’t mga anak kaya ilang kilometro ang tinakbo para makasagap ng signal ng internet para sa dalang laptop, huh!

Of course, ang isa sa artista na todo ang debosyon kay Mama Mary ay walang iba kundi si Ai Ai de las Alas.

Sa IG ni Ai Ai, may video siya ng pagbati sa kaarawan ng Mahal na Ina ng Birhen ng Manaoag at ilang collection niya ni Virgin Mary statute, huh!

Show comments