Dynamite ng BTS more than 300 million agad ang views

Grabe naman, 310 million in two weeks na agad ang number of views ng Dynamite song ng BTS sa YouTube.

Habang ang Ice Cream ng Blackpink with Selena Gomez ay may 197 million naman.

Wow, talagang wala nang makakahabol sa popularity ng BTS and Blackpink.

Bukod pa ito sa popularity ng Korean dramas.

TV host wala nang pakialam sa hitsura ng katawan

Parang wala nang paki ang isang TV host sa kanyang katawan ngayong pandemya.

As in puro pagkain ang kaharap niya at nakalimutan na yatang mag-exercise.

Kung sabagay kuntento naman siya sa piling ng mister kaya siguro hindi na siya conscious at hindi na nag-iingat na ma­dagdagan pa ang timbang.

Klea pinatunayang pinaka-sexy

Pinatunayan ni Klea Pineda na isa talaga siya sa mga pinaka-sexy at nakabibigha­ning female celebrities ngayon. Sa video, makikita ang kanyang nakamamanghang transition mula sa pagiging plain jane papunta sa “it girl” look!

Samantala, nami-miss na rin ng fans at ng Kapuso viewers ang kaniyang pinagbibidahan na GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw, kasama sina Jeric Gonzales, Sunshine Dizon at Sheryl Cruz. Konting tiis na lang daw at malapit na rin silang manumbalik sa TV.

Show comments