Ruffa, nabiktima ng twerking ni Lorin!
Ruffa at Lorin
Ruffa, nabiktima ng twerking ni Lorin!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - September 7, 2020 - 12:00am

Madalas palang i-playtime si Ruffa Gutierrez ng daughter niyang si Lorin.

At ‘yun pala ang nangyari sa video na nag-viral kung saan pinapalo niya sa puwet ang eldest daughter habang nagti-twerk.

Ito ang inamin ni Ruffy sa chikahan with the press last week para sa finale ng Love Thy Woman.

Hindi nga raw siya aware na naka-video pala ‘yun habang sinasaway niya ang anak kaya huli sa camera ang natural reaction niya sa pagsasayaw ng anak sa harapan niya.

Naiwan lang daw niya ang phone niya noon at ayun ginamit na ni Lorin.

Kaya naman talagang naaliw ang nakapanood at parang nakikita raw talaga nila ang mommy niyang si Annabelle Rama kay Ruffa.

Anyway, magkakasukatan na ng husay sa utakan at talas ng pakiramdam ang kababaihan ng Love Thy Woman  sa patuloy na banggaan nina Kim Chiu, Yam Concepcion, Eula Valdez, Sunshine Cruz, at Ruffa Gutierrez para sa kayamanan at hustisya sa huling linggo ng serye sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Patuloy na magbibintangan at maglalaglagan ang mga pamilya ni Adam (Christopher de Leon) sa paglabas ng mga kasagutan sa likod ng pagkamatay at iniwan niyang yaman.

Tuluyan na ngang naipit sa krimen si Lucy (Eula) dahil sa akusasyon ni Amanda (Ruffa) na siya ang tunay na maysala. Kahit pa magkaagaw sa yaman, hindi kumbinsido sina Kai (Sunshine) at Jia (Kim) na magagawa ito ni Lucy, kaya’t mamanmanan nina Jia at David (Xian Lim) ang mga galaw ni Gab (Karl Gabriel) para tumulong sa imbestigasyon.

Lalo namang titindi ang iringan sa pagitan ng dalawang pamilyang Wong dahil sa pag-aagawan nina Jia at Dana (Yam) kina David at Michael. Sa lungkot ni Dana sa pagkakulong ng kanyang ina, lalapit ito kay David, na mas pipiliin namang tulungan si Jia kaysa sa puntahan ang kanyang dating asawa. Dahil naman sa galit at selos, pilit na babawiin ni Dana ang kanyang inampong anak na si Michael.

Si Lucy nga ba ang pumaslang sa asawa niya? Sino sa limang babae ang tunay na may karaparatan sa kayamanan ni Adam? Kanino kina Jia at Dana mapupunta ang pinakamamahal nilang sina David at Michael?

Alamin kung sino ang ‘the last woman standing’ sa Love Thy Woman, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube ng ABS-CBN Entertainment, at sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SkyCable channel 8 SD and 167 HD, Cablelink channel 8, GSat Direct TV channel 22, and PCTA-member cable operators).

Therese hindi makapaniwalang napagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

Sa Facebook video ni Kapuso PR Girl, natanong ang award-winning young Kapuso actress na si Therese Malvar kung paano niya pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista.

Nahihirapan man, malaking tulong daw ang mga taong nasa paligid niya.

“Honestly po talaga I’m not really sure how I’m able to balance both work and studies. Because I’m not that good at organizing my time. But thankfully, the people around me help motivate me. And I try to catch up talaga even when I’m on set. Minsan mahirap kasi palagi po akong absent pero if you really want to pursue this, you have to find a way to make things work. I would really like to graduate on time.”

Samantala, napapanood na sa Netflix ang indie film niyang Gasping for Air, habang ang Distance naman ay mapapanood din sa streaming platform simula September 17.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with