Probinsyano malabo pa raw matsugi
(Pang-masa) - September 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinalabas na ang bagong episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano simula kahapon, Lunes (Agosto 31) sa cable at satellite TV at sa iba’t ibang online platforms ng ABS-CBN.

 Kaya malabo raw talagang matapos ang serye this month na nauna nang napabalita.

Anyway, sa patuloy na pagtatago niya mula sa mga awtoridad, haharapin na ni Cardo (Coco Martin) ang pinakamalaking dagok sa pagsasama nila ni Alyana (Yassi Pressman) – ang kababata nitong si Lito (Richard Gutierrez).

 Sa bagong episodes, magsisimula nang magtrabaho sina Cardo at ang Task Force Aguila sa mansyon at rancho na pagmamay-ari ni Lito. Magsisipag naman ang mga ito para masuklian ang kabutihan ni Lito na siyang nag-alok ng tulong at kabuhayan sa kanila.

Dito naman ilalatag ni Lito ang susunod niyang patibong sa mag-asawa dahil aalukin niya si Alyana na magtrabaho bilang executive assistant upang muling mapalapit dito.

Kasinungalingan naman ang susubuking malusutan nina Lily (Lorna Tolentino) at Arturo (Tirso Cruz III) dahil isasalang na nila ang impostor na si Mariano sa isang press conference para magpanggap na si Presidente Hidalgo. Hangga’t may pangulong naipapakita sa publiko, hawak ni Lily ang kapangyarihan sa bansa para maisagawa ang plano niyang magpayaman.

Mapapanood ang bagong episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa CineMo at sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Para naman sa mga gustong manood online, libre itong masusubaybayan sa parehong timeslot sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Kasalukuyan na uling naka-lock in ang buong cast ng serye.

ABS-CBN ANG PROBINSYANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with