^

Pang Movies

82nd birthday ni Mother hindi magastos!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
82nd birthday ni Mother hindi magastos!
Mother Lily

Hindi naging masyadong magastos ang 82nd birthday ni Mother Lily Monteverde last August 19!

Ngayong taon nagbago ang kaarawan ni Mother Lily dahil Zoom party ito na inayos ng anak niyang si Roselle Monteverde.

Nanibago man ang Regal producer, masayang-masaya siyang nakipagchikahan sa maraming invited sa virtual celebration.

Present din ang mga kaibigan niya nu’ng nag-aaral pa siya at mga dating staff led by Taal, Batangas Mayor Pong Mercado.

Dati-rati sa tuwing party ni Mother, tambak ang mga artista, pulitiko, press, negosyante, kamag-anak at kaibigang bumabati sa kanya.

Marami naman ang natuwang nakasama sa Zoom party dahil masiglang-masigla siya at in her usual self.

Tumugtog pa siya ng piano at kinantahan ang guests.

Of course, kayang-kayang gumastos ni Mother pero isinaalang-alang din niya at ng pamilya niya ang edad at kalusugan!

Gaya ng maraming tao hangad din ng Regal producer na matapos na ang pandemya nang sa gayun ay makapag-shoot muli ng pelikula para matulungan ang mga movie worker na nakasama niya ng maraming taon!

Happy, happy birthday, Mother Lily!

LILY MONTEVERDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with