Boobay, emosyonal

Angel, my loves at savior ang tawag ng komed-yateng si Boobay sa kaibigang Marian Rivera.

Birthday ni Yan kahapon, August 12, at isang emosyonal na mensahe ang pinost sa Instagram ni Boobay.

“To my Angel, my savior, and My Loves @marianrivera – happy birthday!!!

“Lage ko ipinagpapasalamat sa Poong Maykapal na ipinagkaloob ka Niya sa akin, sa amin…Thank you for everything My Loves!!!

“Wishing you all the happiness that you truly deserve…Andito lang ako lage, I promise…Love you My Loves. Happy birthday…” caption ni Boobay.

Si Marian ang tumulong kay Boobay nang ma-stroke siya noong 2016 at naka-recover.

Bumati rin sa GMA Primetime Queen ang kakambal niyang si Ai Ai de las Alas. Nagsimula ang friendship nila noong ginawa nila ang pelikulang Kung Fu Divas.

Sa eve naman ng kaarawan ni Marian, dumagsa ang regalong cakes sa mga kaibigan at produktong ineendorso.

Muli, ang aming pagbati sa taong patuloy na tumutulong ngayong pandemya!

Show comments