Napurnada!

Napurnada ang mala-Oktober Festival na 40th birthday celebration ni Dingdong Dantes last August 12 dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Malaking okasyon ang Oktoberfest tuwing buwan ng Oktubre kung saan bumabaha ng iba’t ibang klase ng beer sa mga bar.

Kaya ang nangyari, sa bahay ang ganap na selebrasyon kasama ang asawang si Marian Rivera at dalawang anak na sina Zia at Ziggy.

Sa Twitter ng gmanetwork.com, sinimulan ni Dong ang araw na nakinig ng mass sa online.

May nagpadala ng iba’t ibang klase ng cakes at isa na rito ay may kasamang mini-motorbike

Isa sa nagpahatid ng mensahe ang TV host na si Kim Atienza via Instagram.

“An honor to be your friend, kumpare, teammate, training buddy and brother. Enjoy all the blessings,” saad ni Kim.

Siyempre pa, isang matamis na halik sa pisngi ang ibinigay ni Yan kay Dong habang si Zia ang nag-blow ng candle sa birthday cake ng tatay.

Bilang regalo, hinandugan siya ng kilalang imported beer na isa sa favorites ni Dingdong.

After Dong, si Marian naman ang magbi-birthday ngayong August 12.

Show comments