^

Pang Movies

Jennylyn, umalma kay Sen. Villar

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Isa si Jennylyn Mercado sa nag-react sa interview ni Sen. Cynthia Villar sa DWIZ tungkol sa pahayag ng senadora na “Hindi na siguro, pagbutihin nila trabaho nila. Hindi puwedeng isara ang ekonomiya kasi kung di naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang tao.”

Sagot ni Sen. Villar ‘yun sa tanong kung suportado ba niya ang hiling ng medical workers na ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, dahil ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga infected ng COVID-19.

Sabi ni Jennylyn, “Sen, with all due respect po, you don’t get to comment about the work na ginagawa ng ating medical frontliners until you are able to experience what it’s like to be in their shoes. Sen...Be better because our Heroes Deserve better.”

May nag-comment na sana hindi makaapekto sa friendship nina Jennylyn at Cong. Camille Villar ang comment na ito ni Jennylyn sa ina ni Camille. May nagpaalala na minsan, sa Shaw Blvd., branch ng Star Mall ng mga Villar, binigyan ni Camille ng space si Jennylyn sa kanilang department store para ibenta ang clothing line na hindi lang ini-endorse ni Jennylyn, tila involved din ang Descendants of the Sun actress sa production at marketing.

Ibig sabihin daw, magkaibigan sina Jennylyn at Camille, kaya may nag-wish na sana hindi maapektuhan ang friendship nila sa comment ni Jennylyn.

May mga nababasa na nga kaming comments na nagulat sa biglang pagiging active ni Jennylyn sa mga isyu ng bansa. May mga natutuwa at may mga disappointed din na karamihan ay supporters ni President Rodrigo Duterte. May nag-suggest na nga na i-boycott ang mga in-endorse ni Jennylyn kasama ang Avon bra.

Ganyan na kalala ang pagkahati ng mga tao dahil sa pulitika. Handa naman si Jennylyn sa backlash ng DDS at sabi nga nito, okay sa kanya kung i-a-unfollow siya sa social media.

Okay din kaya kay Jennylyn kung ibo-boycott ang endorsement niya?

Alex sinasaway na ng nanay, magpakatino na raw

May payo si Mommy Pinty, ang mom nina Toni at Alex Gonzaga kay Alex na malapit nang ikasal dahil namanhikan na ang fiance nitong si Mikee Morada at ang parents nito. Sa pinost ni Alex na “Embarking on the new chapter of my life soon. Thank you netizens for sharing these moments with me.”

Ang sagot ni Mommy Pinty, “I’m so happy for you Catherine ang tanging hiling ko na lang ay umayos ka na kahit konti.”

Si Mommy Pinty din ang nagsabi kay Alex “to relax” habang na-i-stress na si Alex sa pagdating nina Mikee at at parents nito sa kanilang bahay para mamanhikan.

Pang-asar pa rin ang tweet ni Luis Manzano sa pamamanhikan kina Alex nina Mikee at parents nito dahil sabi ni Luis, “As of 5:14pm, wapakels ako but Congratulations Ate.”

vuukle comment

COVID-19

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with