^

Pang Movies

Marian may TVC sa Thailand, Italian-Chinese ang ka-partner!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Inilantad na ni Marian Rivera sa Instagram account ang kanyang TV commercial para sa isang antifungal cream na ginawa sa Thailand.

Ka-join ni Yan sa TVC ang Italian-Chinese model na si Fabio Albani.

Last 2018 nang i-shoot ng GMA Primetime Queen ang commercial sa Bangkok. Kasalukuyan itong napapanood sa nasabing bansa.

Magandang balita naman ang ibinahagi ng teamdantes.com na nakatakda ring ilabas ang TVC sa Cambodia, Singapore at Malaysia, huh!

DJ Loonyo bibida sa Magpakailanman

Malalaman na ng manonood ang kuwento ng buhay ng viral dancer at choreographer na si DJ Loonyo dahil ito ang tampok ngayong Sabado sa Magpakailanman.

Yes, fresh episode ito ng MPK na natengga rin ang tapings dahil sa pandemya.

Tubong Cagayan si DJ Loonyo na Rhemuel Lunio sa totoong buhay. High school nang nagsimulang magsayaw ng jazz pero hip hop kalaunan ang naging hilig.

Nag-train din siya sa iba’t ibang sikat na dance champions gaya ng Philippine Allstars at Rockstars.

Ngayon ay may sarili na siyang dance group, ang Rock*Well. Naki­lala siya dahil sa dance tuto­rials niya sa kanyang Facebook, Instagram at Tiktok.

Kasama kaya sa kuwento niya ang tungkol kay Ivana Alawi na sinasabing naging girlfriend niya?

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with