^

Pang Movies

Kapamilya stars, fans nagluluksa, parang namatayan ng career! Coco hindi nagparamdam

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Kabi-kabila ang pagluluksa na parang namatayan ang Kapamilya stars and fans matapos ngang makatanggap ng 70 no votes ang application ng franchise renewal ng ABS-CBN sa Congress kahapon.

Kahapon nga July 10, ang tinuturing na pinaka-malungkot na araw ng mga executive, artista, staff and employees ng Channel 2.

Tuluyan na silang nawalan ng franchise at hindi na sila mapapanood sa free TV na nag-umpisa last May 5 pa. Kung kailan sila makakabalik sa ere, wala pang nakakaalam.

Nauna nang na-suspend ang mga kontrata ng mga artista ng network kaya puwede na silang tumanggap ng kahit anong trabaho sa kahit anong network.

Anyway, bago naganap ang paghahatol ay sumama pa sa caravan sa Congress sina Angel Locsin, Piolo Pascual and Kathryn Bernardo sa pag-asang mababaliktad pa sa ‘yes’ vote ang 84 na Kongresista pero sadly, 70 ang nag-yes, 11 ang no, 2 ang nag-inhibit and 1 ang nag-abstain.

Hindi naman nagparamdam si Coco Martin sa paglabas ng desisyon ng Congress.

Agad namang naglabas ng pahayag si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak na siyang humarap sa mga naganap na hearing (13).

“Labis kaming nasasaktan sa desisyon ng Committee on Legislative Franchises na tanggihan ang franchise ng ABS-CBN. Naniniwala kaming nakapagbigay kami ng serbisyong makabuluhan at mahalaga sa mga Pilipino. Gayunpaman, nagpapasalamat kami sa Committee para sa pagkakataong maipahayag ang aming panig sa mga isyung laban sa amin.

“Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa aming mga sponsors na nanindigan para mabigyan kami ng prangkisa, at sa mga mambabatas na nagsalita para sa amin sa mga pagdinig. Habangbuhay kaming nagpapasalamat sa inyo.

“Nagpapasalamat din kami sa lahat ng nagpahayag ng suporta at nag-alay ng dasal para sa amin. Hindi namin kakayanin ang lahat ng ito kung wala kayo.

“Mananatili kaming nakatuon sa serbisyo publiko at umaasang makakahanap ng ibang mga paraan para tuparin ang aming misyon. Kasama ang aming mga empleyado, karamay niyo kami  

sa inyong kalungkutan. Inaasahan namin ang araw na tayo ay magkakasama muli. Mga Kapamilya, maraming salamat na patuloy kayong nagtiwala, sumuporta, nagdasal, at lumaban kasama namin.

 “Kapit lang, muling magliliwanag ang kwento ng bawat Pilipino,” ang buong statement ni Mr. Katigbak.

Nagbigay din ng pahayag si ABS-CBN Chairman Mark Lopez.

“Today is a sad day for the entire ABS-CBN family and for the millions of Filipinos who are hoping for our return on-air.

“This is not the outcome we have hoped for, but we remain grateful that we were able to participate in the process and clear the issues raised against ABS-CBN.

“We are very grateful for the unwavering support of all the sponsors who authored our bills and to all the lawmakers who believed we deserve a franchise.

“It was not an easy task, but we drew strength from God and our people, and we remain inspired by them to continue our mission to be in the service of the Filipino.

“Now, more than ever, we feel proud of our company. We are proud of everyone who have helped us serve the Filipinos through the years.

“And we are proud of the genuine love and support we continue to receive from our kababayans all over the world.

“We remain hopeful that better days are ahead for the network. This painful development will only make us stronger and better.

“We will never give up on our mission. We will never give up on our nation.

“Mahal na mahal namin ang Pilipino. Mahal na mahal namin ang Kapamilya.”

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with